Danica Sotto, pinusuan ang post ni Marc Pingris tungkol sa anak nilang si Mic

Danica Sotto, pinusuan ang post ni Marc Pingris tungkol sa anak nilang si Mic

- Nag-post si Marc Pingris ng video clips kung saan ibinida niya ang anak na si Jean “Mic” Michel

- Sa edad nitong 15 at tangkad na 5'10, kinakitaan ito ng husay sa pagbabasketball at pag-dunk

- Sa naturang post ay inihayag ni Marck na pinagmamalaki niya ang anak na aniya ay #sakuragiJr

- Maging si Danica Sotto ay nagkomento sa naturang post kung saan marami ang bumilib sa husay ng kanilang anak

Kabilang si Danica Sotto sa nagkomento sa post ni Marc Pingris kung saan ibinida niya ang husay ng anak nilang si Jean “Mic” Michel. Sa edad nitong 15 at tangkad na 5'10, kinakitaan ito ng husay sa pagbabasketball at pag-dunk.

Danica Sotto, pinusuan ang post ni Marc Pingris tungkol sa anak nilang si Mic
Danica Sotto, pinusuan ang post ni Marc Pingris tungkol sa anak nilang si Mic
Source: Instagram

Sa post ni Marc, makikita ang pag-dunk ng anak nilang si Mic. Ani Marc, proud siya sa anak na aniya ay #sakuragiJr. Marami din ang bumilib kay Mic. Narito ang ilang komento:

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

Time flies like father like Son.. galing lakas
Oh my Trampoline!!. Parang Terrance Mann dumakdak kuya mic ahh!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Galing ito bata ito. Galing, hard work and puso he will be better than his father. Kasi is father guide him to be better player. Look forward his future. Keep it up. Congrats

Si Danica Sotto-Pingris ay panganay na anak ng dating mag-asawang sina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Kapatid siya ni Oyo Boy Sotto. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Fantastic Man (2003), Uno (2005) at Mama Said, Papa Said I Love You (1985). Ikinasal siya sa basketbolistang si Marc Pingris noong March 3, 2007. Kamakailan nga ay humingi ng dispensa si Marc sa mga pagkukulang niya sa asawa niya.

Kinaaliwan din ang pag-post ni Danica ng video kung saan napagtripan niya ang kanyang mister. Lingid sa kaalaman ng kanyang asawa ay ginamitan niya ito ng sad filter habang kumukuha ng video. Tinanong niya si Marc kung bakit umano ito malungkot.

Read also

Kris Bernal, ibinida ang cute na video nila ng kanyang mag-ama

Matatandaang binahagi ni Danica ang tungkol sa magandang blessing na natanggap ng kanilang pamilya. Sa isang Instagram post ay pinakita niya ang maiksing video na nagpapakita ng sonogram ng kanyang pinagbubuntis na kanilang baby no. 3. Marami sa mga kapwa niya artista ang bumati sa celebrity mom na itinuturing na answered prayer ang kanyang pagbubuntis. Binahagi naman ni Marc Pingris ang tungkol sa balitang ito sa pamamagitan ng kanyang post kung saan binati niya ang sarili ng "Happy Father's Day."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel