Tyronia, kinausap si Vince kung pwedeng Flores ang gamitin niyang apelyido

Tyronia, kinausap si Vince kung pwedeng Flores ang gamitin niyang apelyido

- Hindi kinaila ni Vince Flores na masaya siya na gustong dalhin ni Tyronia ang apelyido niya lalo at si Tyronia mismo ang nagsabi sa kanya

- Gayunpaman, pinaliwanagan ni Vince si Tyronia na kailangan pag-usapan nang mabuti ang tungkol dito at may karapatan pa rin ang tatay niya sa usaping ito

- Katwiran ni Tyronia, gusto niya na raw maging si Tyronia Fowler Flores

- Matatandaang nabanggit ni Tyronia ang tungkol sa kanyang sama ng loob sa kanyang tatay

Kinausap ni Tyronia Fowler si Vince Flores kung pwede daw palitan ang kanyang apelyido at Flores na ang gagamitin niya lalo pag kinasal na sina Vince at Toni Fowler.

Tyronia, kinausap si Vince kung pwedeng Flores ang gamitin niyang apelyido
Tyronia, kinausap si Vince kung pwedeng Flores ang gamitin niyang apelyido
Source: Youtube

Pinaliwanagan ni Vince si Tyronia na kailangang pumayag muna ang kanyang tatay sakaling gagawin nila iyon.

Hindi kinaila ni Vince na masaya siya na gustong dalhin ni Tyronia ang apelyido niya lalo at si Tyronia mismo ang nagsabi sa kanya.

Read also

Toni Fowler, binasag ang dalawang cellphone ni Paye para disiplinahin ito

Gusto na daw mag-Flores ni Tyronia.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Actually matagal ko na po tinanong kay Daddy na gusto ko na rin pong maging Flores kasi siya naman po yung totoong nag-la-love sakin.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Cristy Fermin, napuri si Julia Barretto: "Prim and proper"

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel