Bimby, piniling samahan si Kris Aquino kaya hindi muna matutuloy sa pag-uwi sa Pinas
- Hindi na raw muna uuwi sa Pilipinas si Bimby dahil mas gusto muna niyang makasama at alagaan ang kanyang mommy
- Matatandaang nabanggit noon ni Kris na uuwi si Bimby para magtrabaho ngunit mukhang hindi muna ito matutuloy
- Ayon kina Kapitana Sisa at Tita Cora sa Energy FM 106.7 YouTube channel, mismong si Vice Gov. Mark Leviste ang nagbahagi ng balita
- May mga nakaabang na raw sanang trabaho kay Bimby dahil may mga endorsements daw ito na gagawin
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Napagpasyahan ni Bimby na ipagpaliban na lang muna ang kanyang pag-uwi sa Pilipinas para makasama niya at maalagaan ang kanyang mommy na si Kris Aquino. Ayon kina Kapitana Sisa at Tita Cora sa Energy FM 106.7, may mga brands na naghihintay kay Bimby para i-endorse niya.
Ayon daw kay Vice Gov. Mark Leviste, sinabi daw ni Bimby na wala nang maiiwan sa mama niya pag umuwi siya. Nauna nang umuwi si Joshua.
Matatandaang nabanggit noon ni Kris na uuwi si Bimby para magtrabaho ngunit mukhang hindi muna ito matutuloy.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas .
Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.
Source: KAMI.com.gh