Ai-Ai Delas Alas sa mga bashers niya: "Mali-mali kayo ng mga paratang sa'kin"

Ai-Ai Delas Alas sa mga bashers niya: "Mali-mali kayo ng mga paratang sa'kin"

- Nagbahagi ng mensahe si Ai-Ai Delas Alas matapos siyang ma-bash kasunod ng kanyang pag-guest sa 'It's Showtime'

- May mga nagsabing wala daw siyang loyalty dahil sa kanyang paglipat ngunit pinaliwanag ni Ai-Ai ang kanyang panig

- Dagdag pa niya, dapat ay mag-sorry sa kanya ang mga bashers dahil mali-mali raw ang paratang sa kanya

- Naghayag naman siya ng kasiyahan sa balitang mapapanood na sa GMA-7 ang 'It's Showtime'

Nagpahayag ng saloobin si Ai-Ai Delas Alas kaugnay sa natanggap na pambabatikos matapos niyang mag-guest sa It's Showtime. Minabuti niyang magsalita dahil nasaktan daw para sa kanya ang kanyang mga kaibigan.

Aiai Delas Alas sa mga bashers nya: "Mali-mali kayo ng mga paratang sa'kin"
Aiai Delas Alas sa mga bashers nya: "Mali-mali kayo ng mga paratang sa'kin"
Source: Facebook

Nilinaw niyang hindi siya ni-renew kaya nawala siya sa ABS-CBN kaya walang katotohanan ang paratang na wala daw siyang loyalty.

Nabenta niya ang bahay nila sa Ayala matapos daw siyang mawalan ng trabaho.

Mga basher, magsorry kayo sa akin kasi mali-mali kayo ng paratang sa akin.

Read also

MUPH 2024 Cebu Mary Josephine Paaske, proud na ibinandera ang tirahan nila ng pamilya niya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Winelcome din niya ang It's Showtime sa GMA na aniya ay kanyang home network.

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit. Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Pinasalamatan ni Ai-Ai delas Alas ang asawang si Gerald Sibayan sa naging sorpresa nito para sa kanya. Isang Hello Kitty makeover para sa bahay nila ang regalo niya para sa ika-pitong taon nilang dalawa bilang magkarelasyon. Ibinahagi din ni Ai-Ai ang litrato ng bahagi ng kanilang bahay na tadtad ng kinagigiliwan niyang Hello Kitty. Hindi maitago ni Ai-Ai ang kanyang kasiyahan sa ginawa ni Gerald para mapasaya lang siya.

Read also

Claudine, pinabulaanang nag-backout si Jodi sa Mr. M tribute dahil sa kanya

Sa kanilang pagdiriwang ng ika-apat na taon bilang mag-asawa, isang pagbati ang ibinahagi ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas. Binalikan niya ang masasayang sandali nang ikinasal sila ng kanyang nister na si Gerald Sibayan noong December 12, 2017. Kalakip ng ibinahaging wedding photos, hiling niya ang marami pang taong pagsasama nilang mag-asawa. Matatandaang namalagi sa Amerika ang mag-asawa para pagtuunan ang kanilang buhay may asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel