Ai-ai Delas Alas kay Darryl Yap: "Naku po d ka nya kaya pati yang anak ko"

Ai-ai Delas Alas kay Darryl Yap: "Naku po d ka nya kaya pati yang anak ko"

- Kamakailan ay nagbahagi ng kanyang opinyon si Darryl Yap sa gitna ng mainit na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at anak ni Ai-ai Delas Alas na si Sophia Delas Ala

- Hirit niya ay matapang din naman daw siya kaya dapat isali sdin siya

- Tanong pa niya, ano daw ba ang kinaoffend ni 'Goldie' sa sinabi niAi-ai na “Girlfriend ka pa lang”

- Sa comment section ay sumagot din si Ai-ai na hindi daw nito kakayanin si Yap at ang anak niya

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Darryl Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Ai-ai Delas Alas kay Darryl Yap: "Naku po d ka nya kaya pati yang anak ko"
Ai-ai Delas Alas kay Darryl Yap: "Naku po d ka nya kaya pati yang anak ko" (Ai-Ai Delas Alas/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang post, nagtanong si Yap kung ano nga ba ang ikinagalit ni 'Goldie'—isang personalidad na sinasabing patungkol kay Senador Risa Hontiveros—sa sinabi ni Ai-ai kay Chloe na “Girlfriend ka pa lang.” Tinanong pa ni Yap, “Ano ba gusto niya? TREASURER?”

Read also

Chloe San Jose, nagmessage daw sa mag-inang Ai-ai at Sophia: "We'll see if they even reply"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nag-react naman si Ai-ai Delas Alas sa mga pahayag ni Yap at pabirong nagkomento sa comment section: "Hahahahahaa, baby D... nakupo, 'di ka niya kaya pati 'yang anak ko, nakupo ulit!"

Ang nakakaaliw na sagot ni Ai-ai ay agad na nag-trending, at maraming netizens ang natawa sa tila pabirong paninindigan ng komedyante. Ilang fans ang nagsabing kahit pa tila may tensyon sa isyu, nagagawa pa rin ng mga personalidad na bigyan ito ng makulit na twist.

Sa kasalukuyan, hindi pa sumasagot si Sophia Delas Alas sa mga banat ni Yap, at wala pang opisyal na pahayag mula kay Chloe San Jose tungkol dito. Gayunpaman, ang komento ni Ai-ai ay nagdagdag-kulay sa usaping tila nagiging mas makulay sa social media.

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit. Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Read also

Chloe San Jose, sinabing 'fake account' ang Sophia Delas Alas na nag-comment sa post nya

Pinasalamatan ni Ai-Ai delas Alas ang asawang si Gerald Sibayan sa naging sorpresa nito para sa kanya. Isang Hello Kitty makeover para sa bahay nila ang regalo niya para sa ika-pitong taon nilang dalawa bilang magkarelasyon. Ibinahagi din ni Ai-Ai ang litrato ng bahagi ng kanilang bahay na tadtad ng kinagigiliwan niyang Hello Kitty. Hindi maitago ni Ai-Ai ang kanyang kasiyahan sa ginawa ni Gerald para mapasaya lang siya.

Sa kanilang pagdiriwang ng ika-apat na taon bilang mag-asawa, isang pagbati ang ibinahagi ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas. Binalikan niya ang masasayang sandali nang ikinasal sila ng kanyang nister na si Gerald Sibayan noong December 12, 2017. Kalakip ng ibinahaging wedding photos, hiling niya ang marami pang taong pagsasama nilang mag-asawa. Matatandaang namalagi sa Amerika ang mag-asawa para pagtuunan ang kanilang buhay may asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate