Joj at Jai Agpangan, napagkamalang myembro ng 4th Impact: "Dalawang impact lang kami"
- Sinagot nina Joj at Jai Agpangan ang komento sa kanila habang nagla-live selling sila sa TikTok
- Ilang netizen kasi ang nagkokomento at nagsasabing kabilang sila dun sa grupo ng 4th Impact na kamakailan ay naging usap-usapan dahil sa isyu kaugnay sa kanilang 200 na aso
- Pabirong sinagot ng isa sa kanila na 'dalawang impact' lang sila at mahal daw nila ang mga aso
- Umani ng komento ang sagot na ito ng kambal matapos nilang sagutin ang komento sa kanilang live selling
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kinaaliwan sina Joj at Jai Agpangan sa kanilang sagot sa mga komento na nagsasabing kabilang sila sa grupong 4th Impact. Pabirong sinagot ng isa sa kanila na 'dalawang impact' lang sila at hindi sila yung sa 4th Impact.
![Joj at Jai Agpangan, napagkamalang myembro ng 4th Impact: "Dalawang impact lang kami" Joj at Jai Agpangan, napagkamalang myembro ng 4th Impact: "Dalawang impact lang kami"](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/23fef94cd0acbf15.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Habang nasa live selling, ilang netizens ang nagkomento kaugnay sa isyu ng 4th Impact na nag-fund raising para sa kanilang 200 na Shitzu.
Dalawang Impact lang kami, hindi kami yung sa 4th Impact.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang 4th Impact ay isang girl group na binubuo ng magkakapatid na sina Almira, Irene, Mylene at Celina Cercado. Sumikat nang husto ang grupo nang sumali sila sa twelfth season ng British singing contest na The X Factor kung saan nanalo sila bilang 5th place.
Matatandaang ibinahagi ng magkakapatid na sina Almira, Irene, Mylene at Celina Cercado ng 4th impact ang kalagayan ng kanilang mga magulang. Parehas na nagpositibo sa COVID-19 ang kanilang mama at papa at nasa ospital. Ibinahagi nila ang video kung saan kinakantahan nila ng worship song ang kanilang mama dahil alam umano nilang naririnig sila nito. Ang kanilang ama naman ay unti-unti nang bumubuti ang lagay at patuloy ang kanilang pagdarasal para sa tuluyang paggaling ng kanilang mga magulang.
Matatandaang humingi ng tulong ang grupong 4th Impact para mabilhan ng lupa ang kanilang mga alagang aso na umabot na sa 200. Sa kanilang ginawang gofundme ay sinabi nila na nagkaroon sila ng problema matapos silang mareklamo dahil sa ingay ng kanilang mga alaga. Dahil napamahal na daw sa kanila ang kanilang mga alaga at pamilya ang turing nila dito ay hirap silang i-let go ang mga ito. Umani naman ng mga samu't-saring reaksiyon ang kanilang pag-fund raising para sa bibilhing lupa para sa alaga nila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh