4th Impact, emosyonal na kinakantahan ang kanilang ina sa ospital

4th Impact, emosyonal na kinakantahan ang kanilang ina sa ospital

- Ibinahagi ng magkakapatid na sina Almira, Irene, Mylene at Celina Cercado ng 4th impact ang kalagayan ng kanilang mga magulang

- Parehas na nagpositibo sa COVID-19 ang kanilang mama at papa at kasalukuyang nasa ospital

- Ibinahagi nila ang video kung saan kinakantahan nila ng worship song ang kanilang mama dahil alam umano nilang naririnig sila nito

- Ang kanilang ama naman ay unti-unti nang bumubuti ang lagay at patuloy ang kanilang pagdarasal para sa tuluyang paggaling ng kanilang mga magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng magkakapatid na Almira, Irene, Mylene at Celina Cercado ng 4th Impact ang kanilang pinagdaanan mula nang isugod nila ang kanilang ina sa ospital dahil sa COVID-19.

Sa isang video ay nanawaagan ang magkakapatid na humihingi ng tulong para makahanap ng ospital na tatanggap sa kanilang ina dahil puno na rin halos lahat ng ospital dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa.

Read also

DoNekla, muling umalma sa malisyosong espekulasyon kay Super Tekla

4th Impact, emosyonal na kinakantahan ang kanilang ina sa ospital
4th Impact (@4thimpact_almira)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabutihang palad ay naadmit na sa ospital ang kanilang ina ngunit kinailangan itong lagyan ng tubo dahil sa pagbaba ng oxygen level nito.

Salitan ang magkakapatid sa pagbantay sa kanilang mama at papa na parehas nasa ospital dahil sa COVID.

Gayunpaman, kahit papaano ay nakakapagsalita na ang kanilang papa. Patuloy naman ang pagdadasal ng magkakapatid para sa agarang paggaling ng kanilang ina.

Kinakantahan din nila ito ng worship song dahil alam umano nilang naririnig sila nito.

Sa Instagram post ni Almira, sinabi umano ng doktor na gumagaling na ang pneumonia ng kanilang ina at bumubuti na umano ang lagay niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang 4th Impact ay isang girl group na binubuo ng magkakapatid na sina Almira, Irene, Mylene at Celina Cercado. Sumikat nang husto ang grupo nang sumali sila sa twelfth season ng British singing contest na The X Factor kung saan nanalo sila bilang 5th place.

Read also

Pamilyang nagluluksa sa nakaburol na padre de pamilya, nasunugan pa ng tahanan

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kabilang ang 4th Impact sa mga Pinoy na nagpakitang gilas ng husay ng Pinoy sa larangan ng pagkanta. Maging sina Marcelito Pomoy at ang TNT Boys ay kinabiliban dahil sa kanilang pinamalas na talento.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel