Kim Chiu sa estado ng kanyang puso: "It's a little empty pero okay naman"

Kim Chiu sa estado ng kanyang puso: "It's a little empty pero okay naman"

- Nakumusta ni Dr. Vicki Belo ang umano'y estado ng puso ni Kim Chiu

- Matatandaang palaisipan umano ang naging dahilan ng hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim

- Subalit muling nilinaw ni Kim na mutual ang desisyon nila ni Xian ukol sa hiwalayan

- Gayunpaman, kahit natanong na ng Dr. Vicki ang tungkol umano sa bagong karelasyon ni Xian, sinabi naman ni Kim na hindi raw niya alam ito

Sa vlog ni Dra. Vicki Belo, muling nakasama niya si Kim Chiu na kabi-kabila ang proyekto sa ngayon.

Kim Chiu sa estado ng kanyang puso: "It's a little empty pero okay naman"
Kim Chiu and Vicki Belo (Dr. Vicki Belo YouTube)
Source: Youtube

Bagama't busy si Kim sa kabi-kabila niyang mga projects, una pa ring nausisa sa kanya ni Dra. Belo ay tungkol sa kanyang puso.

"Ang puso? It's a little empty. Pero okay naman. It's part of life and part of growing up," ani Kim.

Sinundan naman agad ito ng tanong ni Dra. Belo patungkol sa dahilan ng hiwalayang KimXi.

Read also

Baron sa umano'y naging isyu noon sa Senior High: "Hindi naman kasi talaga ako nag-attitude"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Wala naman, baka magalit siya. Ano lang talaga, it’s ano lang, common understanding naman namin na, mutual decision na to end things, and to move on with our lives," sagot ni Kim.

"It’s very personal... And it's… medyo mahirap siya and you just have to accept siguro ‘yung mga bagay na wala ka nang control, and you cannot push yourself sa isang bagay na, not naman in the same wavelength,"

Gayunpaman, nilinaw ni Kim na kailanama'y hindi niya natanong si Xian sa plano nito sa kanilang 11 taong relasyon.

"Hindi talaga, Hindi ako nagtanong pero iniisip ko. And then, it's also one of the reason of the many reasons... Hindi naman siya big factor pero syempre, as we grow old syempre iisipin mo rin 'yun"

Read also

Baron, inaming may isa pang anak na babae: "Kaya naka-relate ako kay Rustin sa Doll house"

Narito ang kabuuan ng naturang talakayan mula sa YouTube channel ni Dr. Vicki Belo:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Bago matapos ang taong 2023, gumulantang sa publiko ang isa pa muling hiwalayan at ito ay ang real-life couple na sina Kim Chiu at Xian Lim. Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong nito tungkol kay Xian.

Isa na rito ang aktres na si Maricel Soriano kung saan hayagang nausisa noon si Kim kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon nito sa kanyang nobyo. Hindi pa noon nakukumpirma ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan kaya naman ang sagot ni Kim sa Diamond Star 'naka-hang' daw ang kanyang love life sa panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel