Ogie D, sa nasagap umano sa hiwalayan ng KimXi: "Nagstart 'yan sa steak"

Ogie D, sa nasagap umano sa hiwalayan ng KimXi: "Nagstart 'yan sa steak"

- Nakarating kay Ogie Diaz kung paano umano naghiwalay sina Xian Lim at Kim Chiu

- Aniya, nagpaluto pa ng paborito niyang steak si Xian kay Kim

- Hanggang sa biglaan na lamang umanong nag-dialogue si Xian at sinabi kay Kim na tapusin na nila ang kanilang relasyon

- Gayunpaman, ito lamang daw umano ang nakarating kay Ogie na maaring i-deny o kumpirmahin nina Xian at Kim na siyang nakakaalam ng katotohanan

Nakarating umano kay Ogie Diaz ang ilang detalye kung paano raw naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim.

Ogie D, sa nasagap umano sa hiwalayan ng KimXi: "Nagstart 'yan sa steak"
Ogie D, sa nasagap umano sa hiwalayan ng KimXi: "Nagstart 'yan sa steak"
Source: UGC

Ayon sa source ni Ogie, nagawa pa umanong mag-request ni Xian na ipagluto siya ni Kim ng paborito niyang steak.

"Nakarating lang naman sa akin. Pwede naman itong i-deny ni Kim Chiu or ni Xian Lim. At itatanong na rin natin kung gaano katotoo. Na isang araw daw, itong si Xian Lim ay nag-request kay Kim Chiu na ipagluto siya ng paborito niyang steak. So ito namang si Kim Chiu e excited na nagluto ng steak," ani Ogie.

Read also

Cherry White, inunahan si Boy Tapang sa Raffy Tulfo in Action

Sa umpisa'y tipikal na kwentuhan ang nangyari sa dalawa hanggang sa biglang nagsabi si Xian ng umano'y hindi inaasahan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Syempre um-appear si Xian Lim, ganyan-ganyan, chikahan... Hanggang sa, dumayalog si Xian Lim. Ang sabi 'tapusin na natin ang ating relasyon. Parang wala rin namang patutunguhan. Parang ayaw din naman sa akin ng family mo at ng iba mong friends. Something to that effect ha."

Gayunpaman, nilinaw ni Ogie na ito'y pawang nahagip lamang niya na maaring hindi totoo o maaring kulang ang detalye, gayung sina Xian at Kim talaga ang tanging nakakaalam nito.

"Pero syempre, pwedeng exag, pwedeng kulang 'yung kwento ko. Pero more or less, nagstart yan sa steak."

"So itanong na rin natin sa kanila. Syempre, sila ang mas nakakaalam kesa tayo. Pero at the end of the day, wala narin naman sila," giit ni Ogie.

Read also

Kim Chiu, kinaaliwan sa post niya tungkol sa aniya'y pinsan niya

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update channel:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Bago matapos ang taong 2023, gumulantang sa publiko ang isa pa muling hiwalayan at ito ay ang real-life couple na sina Kim Chiu at Xian Lim. Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong nito tungkol kay Xian.

Isa na rito ang aktres na si Maricel Soriano kung saan hayagang nausisa noon si Kim kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon nito sa kanyang nobyo. Hindi pa noon nakukumpirma ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan kaya naman ang sagot ni Kim sa Diamond Star 'naka-hang' daw ang kanyang love life sa panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel