GoFundMe post ng 4th Impact para sa mga aso nila, burado na
- Burado na ang GoFundMe post ng grupong 4th Impact para sa fundraising nito sa farm na bibilhin sana nila para sa kanilang 200 na aso
- Ito ay matapos umani ng mga komento ang post nilang ito kung saan binahagi nilang hindi nila gustong mawalay sa kanilang alaga dahil pamilya daw ang turing nila sa mga ito
- Marami naman ang nagsabing dapat ay pinakapon nila ang aso para hindi dumami nang husto
- Ang 4th Impact ay isang Pinay girl group na binubuo ng magkakapatid na sina Almira, Irene, Mylene at Celina Cercado
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Wala na ang GoFundMe post ng 4th Impact para sa kanilang aso. Matatandaang umani ng samu't-saring komento at reaksiyon ang fundraising ng grupo na gusto daw sanang bumili ng lupa para mapaglagyan nila ng tahanan para sa kanilang 200 na aso.
Sa buradong GoFundMe post, nabanggit nilang dahil napamahal na daw sa kanila ang kanilang mga alaga at pamilya ang turing nila dito ay hirap silang i-let go ang mga ito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang 4th Impact ay isang girl group na binubuo ng magkakapatid na sina Almira, Irene, Mylene at Celina Cercado. Sumikat nang husto ang grupo nang sumali sila sa twelfth season ng British singing contest na The X Factor kung saan nanalo sila bilang 5th place.
Matatandaang ibinahagi ng magkakapatid na sina Almira, Irene, Mylene at Celina Cercado ng 4th impact ang kalagayan ng kanilang mga magulang. Parehas na nagpositibo sa COVID-19 ang kanilang mama at papa at nasa ospital. Ibinahagi nila ang video kung saan kinakantahan nila ng worship song ang kanilang mama dahil alam umano nilang naririnig sila nito. Ang kanilang ama naman ay unti-unti nang bumubuti ang lagay at patuloy ang kanilang pagdarasal para sa tuluyang paggaling ng kanilang mga magulang.
Matatandaang humingi ng tulong ang grupong 4th Impact para mabilhan ng lupa ang kanilang mga alagang aso na umabot na sa 200. Sa kanilang ginawang gofundme ay sinabi nila na nagkaroon sila ng problema matapos silang mareklamo dahil sa ingay ng kanilang mga alaga. Dahil napamahal na daw sa kanila ang kanilang mga alaga at pamilya ang turing nila dito ay hirap silang i-let go ang mga ito. Umani naman ng mga samu't-saring reaksiyon ang kanilang pag-fund raising para sa bibilhing lupa para sa alaga nila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh