Lars Pacheco sa mga Trans Pinays na sangkot sa gulo: “Wala tayo sa bansa natin, makisama tayo”
- Minabuti ni Lars Pacheco na alamin ang kwento sa likod ng nag-viral na video ng kaguluhang naganap sa gitna ng Pinay at Thai trans
- Ayon sa mensahe sa kanya ng kanyang Thai friends, 20 umano na Pinay trans ang umatake sa 5 Thai trans
- Dahil dito ay maraming mga Thai trans ang gustong palabasin sa hotel nila ang mga Pinay at pauwiin na lang ang mga ito sa Pilipinas
- Ani Lars, kahit ano pa man ang dahilan, sana ay maging magalang ang mga Pinoy lalo at nasa ibang bansa sila
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagsalita si Lars Pacheco kaugnay sa gulong naganap sa gitna ng Thai at Pinay trans na nangyari sa Thailand. Tinanong ni Lars ang kaibigan niyang Thai para malaman kung ano talaga ang nangyari.
Ayon sa mensahe ng kanyang kaibigan, 20 umano na Pinay trans ang umatake sa 5 Thai trans. Dahil dito ay ikinagalit daw ng mga Thai ang nangyari. Kaya naman, nagtipon ang mga ito sa labas ng hotel na pinaglalagian ng mga Pinay.
Gusto daw nilang lumabas ang mga ito at umuwi na sa Pilipinas.
Ani Lars, kahit ano pa man ang dahilan, sana ay maging magalang ang mga Pinoy lalo at nasa ibang bansa sila.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Whatever maybe the reason of the fiasco, I love Filipinos, but we are not in our country. The only option that we have is to be respectful.
Nakilala si Lars Pacheco nang sumali siya sa Ms. Q & A. kung saan tinanghal na grand winner si Juliana Parizcova Segovia. Tinanghal naman si Lars na 2nd runner-up sa Miss Q & A 2018.
Matatandaang humingi ng dispensa si Lars matapos ang kanyang kontrobersiyal na wardrobe malfunction sa live telecast ng It's Showtime noong October 25, 2019. Nagsalita si Lars tungkol sa nangyaring wardrobe malfunction sa kanya sa Live telecast ng noontime show matapos mag-trending sa social media ang 'di sinasadyang paglabas ng kanyang dibdib habang kinakanta ang opening song. Nauna nang humingi ng paumanhin si Vice Ganda sa buong pangyayari at nagpaliwanag na hindi nila ginusto ang buong insidente.
Binahagi ni Lars ang kanyang pagsasailalim sa gender reassignment surgery sa Thailand. Sa kanyang social media posts, binahagi niya ang video mula sa kanyang check up hanggang sa kanyang paghahanda sa surgery. Sumailalim siya sa gender reassignment surgery sa Kamol Cosmetic Hospital na matatagpuan sa Bangkok, Thailand.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh