Bea Alonzo, may pasilip sa kanyang eco-friendly farm

Bea Alonzo, may pasilip sa kanyang eco-friendly farm

- Binahagi ni Bea Alonzo ang ilang pictures niya sa kanyang eco-friendly farm na Beati Firma sa Iba, Zambales

- Aniya, game changer para sa kanya ang pag transform niya sa farm niya at nagkaroon siya ng sustainable lifestyle

- Bukod sa pagtatanim ng mga prutas at gulay, nag-aalaga din sila ng hayop at solar energy ang gamit nila

- Matatandaang naunang binahagi ni Bea ang tungkol sa kanyang farm sa pamamagitan ng kanyang vlog sa YouTube channel niya

Nagbahagi si Bea Alonzo ng ilang pictures na kuha sa kanyang farm na aniya ay na-transform niya na sa pagiging eco-friendly. Mapapansing naayos na rin ang fishpond na sa kanyang naibahaging vlog ay pinapagawa pa lamang.

Bea Alonzo, may pasilip sa kanyang eco-friendly farm
Bea Alonzo, may pasilip sa kanyang eco-friendly farm
Source: Instagram

Aniya, game changer para sa kanya ang kanyang eco-friendly farm kung saan bukod sa pagtatanim ng mga prutas at gulay, nag-aalaga din sila ng hayop at solar energy ang gamit nila.

Read also

Kim Chiu, binahaging may naghahalikan sa harap niya sa pila: "Gusto ko lang naman umorder ng tubig"

Matatandaang naunang binahagi ni Bea ang tungkol sa kanyang farm sa pamamagitan ng kanyang vlog sa YouTube channel niya.

Narito ang ilang komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bat pag si Bea nagpapakain ng Baboy ang ganda niya? Bat ako noon mukha akong ewan
Thanks you Bea nag-post ka na ulit para alam namin ok ka lang, God bless you always
Ang ganda nman ng farm girl na yan!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Read also

Jaclyn Jose, pumanaw ngayong Marso 3, 2024 sa edad na 60

Sinagot ni Beatriz Saw ang komento ng isang netizen tungkol sa opinyon niya matapos ang kumpirmasyon sa hiwalayang Bea at Dominic Roque. Ayon sa netizen na ito, masyadong mataas ang tingin ng tao kay Bea dahil meron siyang lupain. Dagdag pa nito, kahit gaano kayaman ang tao kung may 'something' daw sa character ay hindi talaga papakasalan ng lalaki. Sagot naman ni Beatriz ay wala namang something sa character ng kaibigan niyang si Bea.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel