Pokwang, in-unfollow ang ilang friends na enabler ng ex: "Check n'yo na lang kung sino kayo"

Pokwang, in-unfollow ang ilang friends na enabler ng ex: "Check n'yo na lang kung sino kayo"

- Naibahagi ni Pokwang sa vlog sa Jovi Vargas TV YouTube channel na may mga kaibigan siyang in-unfollow

- Aniya, ayaw talaga niya sa mga taong enabler ng mga taong kagaya ng kanyang ex

- Naging lesson din daw kay Pokwang ang nangyari sa kanya at sa kanyang ex

- Hirit pa ni Pokwang, tingnan na lang daw ng kanyang mga kaibigan kung kabilang sila sa mga in-unfollow

Aminado si Pokwang na may mga kaibigan siyang in-unfollow. Sa vlog na naibahagi sa Jovi Vargas TV YouTube channel, sinabi ni Pokwang na in-unfollow niya ang mga friend niya na enabler ng kanyang ex.

Pokwang, in-unfollow ang ilang friends na enabler ng ex: "Check n'yo na lang kung sino kayo"
Pokwang, in-unfollow ang ilang friends na enabler ng ex: "Check n'yo na lang kung sino kayo"
Source: Instagram

Natanong kay Pokwang kung ano ang nabago sa kanya dahil sa kanyang experience. Ani Pokwang, mas tumapang siya at nagpakatotoo lang siya kahit sa harap ng camera.

Mabait daw siya sa mga taong mabait pero pag alam niyang user ay dumidistansiya siya.

Read also

Ogie D, sinabing isa umanong singer-actress ang aaming buntis sa kanyang 2nd baby

Naging lesson din daw kay Pokwang ang nangyari sa kanya at sa kanyang ex.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hirit pa ni Pokwang, tingnan na lang daw ng kanyang mga kaibigan kung kabilang sila sa mga in-unfollow.

In fact, yung mga kaibigan ko na enabler niya in-unfollow ko.

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong taong 2022 umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Read also

Kristel Fulgar sa hindi pa pagsagot sa Korean suitor: "I need to stick to my beliefs and principles"

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel