Vilma Santos, ibinahagi ang masayang video nila nina Luis at Edu Manzano

Vilma Santos, ibinahagi ang masayang video nila nina Luis at Edu Manzano

- Ibinida ni Vilma Santos ang nakakaantig na video niya kasama ang anak na si Luis Manzano at ang dating asawang si Edu Manzano

- Makikita sa kanyang video na kuha sa reception ng kasal nina Jessy at Luis na kasayaw ni Ate Vi si Luis

- Kinalaunan ay lumapit si Edu at imbes na si Vilma ang isayaw ay si Luis ang kanyang niyakap kaya naman nagtawanan ang mga taong naroroon

- Pagkatapos mayakap ang anak ay niyakap din ni Edu si Vilma at marami ang natuwa na makita ang kanilang masayang pamilya

Binahagi ni Vilma Santos ang nakakaantig na video nila kasama sina Luis at Edu Manzano na kuha sa reception ng kasal nina Jessy at Luis. Makikita sa video na naging emosyonal si Ate Vi habang kasayaw niya ang anak.

Vilma Santos, ibinahagi ang masayang video nila nina Luis at Edu Manzano
Vilma Santos, ibinahagi ang masayang video nila nina Luis at Edu Manzano
Source: Instagram

Maya-maya pa ay lumapit din si Edu sa mag-ina. Nagtawanan naman ang mga tao matapos isayaw ni Edu si Luis. Maging si Ate Vi ay natawa sa mag-ama. Pagkatapos mayakap ang anak ay niyakap din ni Edu si Vilma at marami ang natuwa na makita ang kanilang masayang pamilya.

Read also

Andrea Brillantes, ibinida ang picture kasama si Rico Blanco: “Fangirl moment!"

Makikita din sa video ang asawa ni Ate Vi na si Ralph Recto.

Narito ang ilang komento:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

I love their blended family so much.❤ much love and respect kay Ate V and sir Edu.
i love this blended family.Maganda ang core ni Luis.
Luis is raised well by Vilma talaga.. napaka galang na anak. I love their family. He got his humor naman from his dad

Si Luis Manzano ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kilala siya sa pagiging isa sa mahusay na TV hosts sa bansa. Ikinasal siya kay Jessy Mendiola na nakilala naman sa mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Read also

Luis Manzano, umalma sa nagsabing Rosie ang itawag sa anak niya at huwag nang Peanut

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel