Cristy sa sana'y ShaGab concert ulit: "Mas pinili niyang makasama si AiAi kaysa kay Sharon"

Cristy sa sana'y ShaGab concert ulit: "Mas pinili niyang makasama si AiAi kaysa kay Sharon"

- Napag-usapan sa Showbiz Now Na! ang post kamakailan ni Sharon Cuneta

- Marami umanong nagsasabing si Gabby Concepcion ang pinatutungkulan nito

- Matatandaang mayroon daw sanang Valentine's concert ang dalawa

- Subalit tila mas pinili umano ni Gabby ang concert nito kasama si AiAi Delas Alas

Sa bagong episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, natalakay nila ang post kamakailan ng nag-iisang Megastar, Sharon Cuneta.

Cristy sa sana'y ShaGab concert ulit: "Mas pinili niyang makasama si AiAi kaysa kay Sharon"
Gabby Concepcion and Sharon Cuneta (Sharon Cuneta FB)
Source: Instagram

Naging usap-usapan ito lalo na at marami ang nagsasabing tila si Gabby Concepcion umano ang pinatutungkulan nito.

"Silence is better than unnecessary drama," ang laman umano ng post ni Sharon.

Matatandaang napabalitang hindi umano muli in good terms ang dating mag-asawa matapos na hindi matuloy ang sana'y Valentine's concert nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Ogie D, inalam kay Julia bakit 'di naka-promote ng movie nila ni Aga: "Busy sila sa series"

Matunog na dahilan umano ay ang hindi napagkasunduang talent fee sa bahagi ni Gabby Concepcion.

"Mas pinili niyang makasama si AiAi kaysa kay Sharon," ani Cristy gayung ang magkakaroon ng show sa darating na Marso ay sina Gabby at AiAi.

Gayunpaman, nasabi ni Cristy na posibleng may iba pa umanong dahilan ng muling hindi pagkakaunawaan ng dalawa matapos ang kanilang matagumpay na concert na naganap noong nakaraang taon.

"Baka may naganap na hindi lang nila sinasabi kaya hindi natin nalalaman."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Sharon Cuneta ay isang singer at actress sa Pilipinas. Sa husay niya sa kanyang larangan tinagurian siyang "Megastar." Taong 1984 nang maganap ang umano'y kasalan nila ni Gabby Concepcion na nauwi rin sa hiwalayan.

Nabiyayaan sila ng supling at ito nga ay si KC Concepcion. Muling nag-asawa ang Megastar at ito ay ang dating senador na si Kiko Pangilinan kung saan nabiyayaan sila ng tatlo pang mga anak.

Read also

Ogie D kina Kathryn at Jericho: "Mukhang naba-viral sila madalas"

Matatandaang sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, hindi na napigilan pa ni Sharon ang pagbulalas niya ng totoong estado ng relasyon nila ng anak na si KC. Nabanggit din niya kung gaano niya ito kamahal at gaano ito kahalaga sa kanya lalong-lalo na sa kanilang pinagdaanan bilang mag-ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel