Ogie D sa nababalita umanong buntis si Ria: "Kung sakaling totoo, bakit tayo ang mag-aannounce?"

Ogie D sa nababalita umanong buntis si Ria: "Kung sakaling totoo, bakit tayo ang mag-aannounce?"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz sa umano'y napapabalitang buntis na si Ria Atayde

- Isa umanong blind item ang lumabas ukol sa kapatid ng isang aktor na sinasabing buntis at engaged na

- Sinabi ni Ogie na sakaling totoo ito, nararapat lamang na sina Zanjoe at Ria ang mag-anunsyo

- Gayunpaman, sinabi rin ni Ogie na nasa tamang edad na ang dalawa at hindi naman na ito nakapagtataka

Nakarating na rin kina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs ng Ogie Diaz Showbiz Update ang tungkol umano sa blind item kamakailan tungkol sa kapatid ng isang aktor na 'di umano'y buntis at engaged na.

Ogie D sa nababalita umanong buntis si Ria: "Kung sakaling totoo, bakit tayo ang mag-aannounce?"
Ria Atayde and Zanjoe Marudo (@onlyzanjoemarudo)
Source: Instagram

Mabilis kasing nagkomento ang netizens na tila si Ria Atayde umano ang tinutukoy nito. Lalo na at kababahagi lamang nila ng ngayo'y kanyang fiancé na si Zanjoe Marudo ng kanilang engagement.

"Well, maraming nagtuturo sa comment section. Puro si Ria ang itinuturo. Dahil nag-announce sila ng engagement."

Read also

Dominic Roque, nakaabang umano sa tapat ng bahay ni Bea ayon sa source ni Ogie Diaz

"Alam mo, kung sakali man na ito'y totoo. Aba, hindi naman tayo para magtaka pa."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ilang taon na si Ria, 32? Si Zanjoe, 42? Nasa edad na sila. HIndi na sila mga menor para ipaalala pa sa kanila yung mga pros and cons ng mga mag-asawa, pagbubuntis."

Gayunpaman, ipinaubaya na rin talaga ni Ogie Diaz sa showbiz couple ang kumpirmasyon, sakaling totoo umano ang mga nababalitang ito.

"Kung sakali mang totoo, bakit tayo ang mag-aannounce. Hayaan natin sila ang mag-announce nun kung sakaling totoo na. Bigay natin 'yung moment na 'yun na sila yung mag-aannounce, kasi sila naman ang nakakaalam ng totoo"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ria Atayde ay ilang Filipina actress at anak ng respetadong aktres na si Sylvia Sanchez at businessman na si Art Atayde. Nagsimua ang kanyang showbiz career sa seryeng Ningning na napanood noon matapos ang It's Showtime.

Read also

JM De Guzman, pinakilig ang marami sa mensahe kay Donnalyn Bartolome

Sa pagpasok naman noon ng taong 2023, naging usap-usapan si Ria sa pag-pose niya bilang calendar girl ng White Castle Whiskey. Marami ang humanga sa kanya kabilang na ang kanyang proud mom na si Sylvia Sanchez. Ilan din sa mga bumati kay Ria sa panibagong milestone na ito ng kanyang career ay sina Arci Muñoz, Aiko Melendez, Melai Cantiveros, at maging si Karen Davila

Samantala, marami rin ang kinilig nang kumpirmahin ni Zanjoe Marudo ang estado ng relasyon nila ni Ria sa programang Headstart ng ANC. Hindi nga nagtagal, masayang inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement sa pamamagitan ng kanilang sweet photos kung saan makikita ang engagement ring ng aktres mula sa kanyang fiancé na si Zanjoe.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel