Dominic Roque, pumalag sa nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya

Dominic Roque, pumalag sa nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya

- Pinalagan ni Dominic Roque ang isang Facebook page na aniya ay nagpapalaganap ng fake news

- Binahagi niya ang screenshot ng isang post kung saan nilagay ang isang fake quote mula daw sa kanya

- Sinasabi sa quote na nagbigay siya ng paalala tungkol sa pagpili ng taong mamahalin

- Sa naturang post ay nakalagay din na huwag daw pumili ng babae na dumidepende sa yaman

Umalma si Dominic Roque sa isang Facebook page na nag-post raw ng fake news tungkol sa kanya. Sa quote card na binahagi ng naturang page, sinabi daw ni Dominic na huwag pumili ng babae na dumidepende sa yaman.

Dominic Roque, pumalag sa nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya
Dominic Roque, pumalag sa nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya
Source: Instagram
Philippines No.1 Page FAKE NEWS!!!❌❌❌ FAKE NEWS!!!❌❌❌ FAKE NEWS!!!❌❌❌

Matatandaang matapos ilabas nina Bea at Dom ang kanilang joint statement upang kumpirmahin ang paghihiwalay nila, hiniling ni Dom na tigilan na ang bashing dahil aniya ay mabuting tao si Bea.

Read also

Vice Ganda: "Gamit na gamit ako sa mga clickbait at mga fake news"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bea's a beautiful person inside n out... no hate/bashing/negative things please.

Kalakip ito ng kanyang ni-repost na video ng kanilang moments ni Bea noong sila pa.

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Matatandaang nagsalita na mismo sina Bea Alonzo at Dominic tungkol sa napapabalita nilang hiwalayan. Sa pinagsama nilang pahayag, kinumpirma ng dalawa ang kinahinatnan ng kanilang engagement. Nabanggit din sa naturang post ang tungkol sa ilang taong nagkumpirma ng hiwalayan ng wala nilang pahintulot. Habang ang iba naman ay naglalabas ng kabi-kabila umanong kwento na walang basehan at wala umanong katotohanan.

Read also

Rica Peralejo sa nagsabing mapagpanggap siya: "Sana magka-peace ka"

Kamakailan ay naglabas na ng opisyal na pahayag si Dominic kaugnay ng kabi-kabilang akusasyon sa hiwalayan nila ni Bea. Sa pamamagitan ng Fernandez & Singson law offices, sinabing wala umanong basehan ang mga naihayag ni Cristy Fermin patungkol kay Dominic. Isa sa mga nilinaw niya ay ang tungkol sa condo ni Mayor Bullet Jalosjos ngunit hindi niya umano ito benefactor. Nabanggit din ang tungkol sa pre-nuptial agreement na pawang naging espekulasyon lamang sa pagtatapos ng engagement nila ni Bea Alonzo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel