Dominic Roque, naglabas na ng pahayag ukol sa kontrobersyal na mga akusasyon sa kanya

Dominic Roque, naglabas na ng pahayag ukol sa kontrobersyal na mga akusasyon sa kanya

- Naglabas na ng opisyal na pahayag si Dominic Roque kaugnay ng kabi-kabilang akusasyon sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo

- Sa pamamagitan ng Fernandez & Singson law offices, sinabing wala umanong basehan ang mga naihayag ni Cristy Fermin patungkol kay Dominic

- Isa sa mga nilinaw niya ay ang tungkol sa condo ni Mayor Bullet Jalosjos ngunit hindi niya umano ito benefactor

- Nabanggit din ang tungkol sa pre-nuptial agreement na pawang naging espekulasyon lamang sa pagtatapos ng engagement nila ni Bea Alonzo

Matapos ang ilang linggong pag-iingay ng mga balita patungkol sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque, naglabas na ng pahayag ang aktor ngayong Pebrero 20.

Dominic Roque, naglabas na ng pahayag ukol sa kontrobersyal na mga akusasyon sa kanya
Dominic Roque (@dominicroque)
Source: Instagram

Sa pamamagitan ng Fernandez & Singson law offices, inihayag ni Dominic Roque ang kanyang panig patungkol sa mga alegasyon umano sa kanya sa ilang vlogs ng Entertainment reporter na si Cristy Fermin.

Read also

JM De Guzman, pinakilig ang marami sa mensahe kay Donnalyn Bartolome

"We strongly condemn the malicious and defamatory public statements of Ms. Fermin," ang panimula ng nasabing pahayag.

Ilan sa binigyang linaw ay ang condo unit ng aktor na umano'y nakapangalan kay Mayor Bullet Jalosjos.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inamin nitong umuupa siya sa naturang unit subalit walang katotohanan na 'benefactor' niya ito gayung matagal na niyang kaibigan ang pamilya nito.

"He is embarrassed and apologizes to Mayor Bullet Jalosjos and his family for being dragged into the public conversation because of the malicious, defamatory public innuendos of Ms. Fermin,"

Gayundin ang sinasabing pre-nuptial agreement na pawang espekulasyon lamang ng marami na posible umanong dahilan ng pagtatapos ng engagement nila ni Bea Alonzo.

"Reckless statements relating to the alleged disagreement over a pre-nuptial agreement between them are not only unverified but merely based on speculations intended to produce a negative image on the parties concerned."

Read also

Dominic Roque, pumalag sa nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya

Narito ang kabuuan ng pahayag na ibinahagi rin ng GMA News:

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Naging kontrobersyal ang opening ng February 6 episode ng programang Fast Talk with Boy Abunda. Ito ay matapos na maibahagi ni Boy ang umano'y hiwalayan nina Bea at Dominic. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.

Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.

At nito lamang Pebrero 11, naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque ukol sa kinahinatnan ng kanilang engagement. Ayon sa dalawa, nalulungkot silang ibang tao pa umano ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala nilang pahintulot. Nakiusap din silang huwag nang maglabas ng kung ano-anong kwento tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon na wala naman umanong basehan at walang katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel