Francine Diaz, pumayag na maging ka-date ni Seth Fedelin sa Star Magic Prom

Francine Diaz, pumayag na maging ka-date ni Seth Fedelin sa Star Magic Prom

- Nag-propose si Seth Fedelin kay Francine Diaz na maging ka-date siya nito sa Star Magic Prom

- Dalawang beses nagtanong si Seth kay Francine at dalawang beses din namang umo-o si Francine

- Ang unang beses na nagtanong si Seth ay naganap sa disyerto sa Dubai kung saan kinasangkot niya ang kasama nilang kumukuha ng video

- Ang pangalawang beses naman ay sa isang event kung saan kaharap nila ang maraming tao

Napapayag ni Seth Fedelin si Francine Diaz na maging ka-date niya sa Star Magic Prom. Dalawang beses nag-propose si Seth at dalawang beses din naman napa-oo si Francine.

Francine Diaz, pumayag na maging ka-date ni Seth Fedelin sa Star Magic Prom
Francine Diaz, pumayag na maging ka-date ni Seth Fedelin sa Star Magic Prom
Source: Youtube

Unang nag-propose si Seth nang pumunta sila sa disyerto habang nasa Dubai sila. Nilagay niya ang kanyang tanong sa loob ng isang sachet stick ng isang kape.

Nagbigay rin siya ng bulaklak kay Francine habang naglalakad sila sa disyerto. Ang pangalawang beses naman ay sa isang event kung saan kaharap nila ang maraming tao.

Read also

Zanjoe Marudo, ibinida ang picture nila ni Ria Atayde

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ring mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel