Kristel Fulgar, pinakilala ang kanyang Korean suitor sa kanyang mama

Kristel Fulgar, pinakilala ang kanyang Korean suitor sa kanyang mama

- Pinakilala ni Kristel Fulgar ang kanyang Korean suitor sa kanyang nanay na pumunta din sa South Korea

- Sinundo nila ni Kristel ang mama niya at dito din niya pinakilala ang kanyang manliligaw

- Kabado ito ngunit base sa reaksiyon ng mama ni Kristel ay aprubado naman sa kanya ang manliligaw ni Kristel

- Marami sa mga followers ni Kristel ang masaya para sa kanya dahil ang mahalaga daw ay maligaya ang kanilang idolo

Sinundo nina Kristel Fulgar at ng kanyang Korean suitor ang kanyang mama na pumunta sa Korea. Ito daw ang unang pagkikita ng mama ni Kristel at ng suitor niya.

Kristel Fulgar, pinakilala ang kanyang Korean suitor sa kanyang mama
Kristel Fulgar, pinakilala ang kanyang Korean suitor sa kanyang mama
Source: Instagram

Kabado ang manliligaw ni Kristel pero aniya ay mabait ang mama ni Kristel. Base sa reaksiyon ng mama ni Kristel ay aprubado naman sa kanya ang manliligaw ng anak.

Marami sa mga followers ni Kristel ang masaya para sa kanya dahil ang mahalaga daw ay maligaya ang kanilang idolo. Narito ang ilang komento:

Read also

Xian Gaza sa kanyang fiancée: "I thought marriage is just a paper, 'til I met you"

AWWWW our Kristel can finally be a soft and quirky girl with someone who can match her energy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Habang tumatagal na pinapanood ko si guy pa-gwapo Ng pa-gwapo eh. Nakangiti ba naman ako for the whole time na pinapanood ko ito. Salamat sa happy pill.
Yung saya ko for Ms. Kristel sobra sobra. The way he touch the hands of kristel, the way he makes her happy I know she's in good hands. I hope the MAN won't change!

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.

Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata. Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya. Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika.

Read also

Chito sa Toronto gig ng PNE: "'Yung nagco-concert ka ta's kailangan mo ring magpakatatay"

Kamakailan ay binahagi ni Kristel ang video ng kanyang meeting sa isang Korean Brand na kumuha sa kanya bilang ambassador. Ayon sa kanila, napanood nila ang vlog ni Kristel at nagustuhan nila ang ginawa ni Kristel kung saan pinakita niya na ginagamit niya ang produkto. Naging mabili ito sa kanilang online shops kaya napagpasyahan nilang makipagcollaborate kay Kristel. Pinasalamatan naman ni Kristel ang kanyang mga tagapanood na aniya ay naging dahilan ng bagong oportunidad na ito na dumating sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate