Aga Muhlach sa pagpapakasal kay Charlene: "The best decision I ever made"

Aga Muhlach sa pagpapakasal kay Charlene: "The best decision I ever made"

- Isa sa naikwento ni Aga Muhlach kay Ogie Diaz ay ang pagpapakasal umano nito kay Charlene Gonzales

- Masaya at tahimik umano ang kanilang pagsasama na nilarawan niyang 'best decision I ever made'

- 2001 nang ginulantang nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales ang publiko sa kanilang pag-iisang dibdib sa Baguio

- Nabiyayaan sila ng kambal na anak na sina Atasha at Andres na ngayo'y 22 taong gulang na

Masayang naikwento ni Aga Muhlach kay Ogie Diaz ang tungkol sa desisyon niyang pakasalan si Charlene Gonzales, nasa 23 taon na ang nakalilipas.

Aga sa pagpapakasal kay Charlene: "The best decision I ever made"
Aga Muhlach and family
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nausisa kasi ni Ogie si Aga kung mayroon pa rin bang mga nagpaparamdam o nagpapakita ng motibo sa kanya hanggang ngayon.

Ani Aga, hindi naman mawawala iyon subalit mas pinili niya ang tahimik at masayang buhay may asawa.

Read also

Kris sa panibagong gamutan: "Pwedeng tumigil na lang 'yung pagtibok ng puso ko"

Doon, naipaliwanag din niya ang kahalagahan sa kanya ng pagpapakasal kay Charlene na para sa kanya'y best decision umano.

"Basta Masarap tahimik... I think It's important to, hindi naman po ito advice ano, sa akin lang, when I made a decision to marry it's because number one, I wanted to settle down already. Number two, I love the girl. I didn't marry just to get married. I married because I want her as my partner for life. That was the decision. And that decision that time up to now, was the best decision I ever made."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Inspires channel:

Si Aga Muhlach o Ariel Aquino Muhlach sa totoong buhay ay isang kilalang batikang aktor sa Pilipinas. Siya ay binansagang "King of Romance-Drama" at the Philippines' Original Hearthrob. Kabilang sa mga paggawad sa kanya ay mula sa Star Awards, Maria Clara Awards, at FAMAS Award.

Read also

Aga Muhlach sa kanyang timbang: "Hindi normal 'yun, hindi ako masaya 'dun"

Kasalukuyang may pelikula si Aga kasama si Julia Barretto na may pamagat na 'Ikaw pa rin ang pipiliin ko'. Naging usap-usapan ito dahil ilang 'Barretto' na rin ang nakatambal ni Aga. Mula kay Gretchen, Claudine at ngayon naman ay kay Julia.

Samantala, araw-araw namang mapapanood ang anak ni Aga na si Atasha sa Eat Bulaga. Labis din itong kinagigiliwan ng mga manonood lalo na't game na game din itong makipagkulitan sa kanyang mga Dabarkads.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel