Toni Fowler, ayaw pagtaasan ng boses ni Vince si Tyronia: "Natuto na ako"

Toni Fowler, ayaw pagtaasan ng boses ni Vince si Tyronia: "Natuto na ako"

- Nilinaw ni Toni Fowler na hindi totoong hindi niya hinahayaang pagsabihan ni Vince Flores ang anak niyang si Tyronia Fowler

- Ani Toni, ayaw lang daw niya na pagtaasan niya ito ng boses dahil aniya ay natuto na siya sa ex niya

- Dadating din daw ang panahon na pwede nang gawin iyon ni Vince pero sa ngayon daw ay hindi muna

- Matatandaang sa kanilang reality show ay ilang beses na pinagtalunan ng dalawa ang tungkol sa usaping ito

Ani Toni Fowler, hindi totoong hindi niya hinahayaang pagsabihan ni Vince Flores si Tyronia Fowler. Aniya, ayaw lang daw niya na pagtaasan niya ito ng boses dahil aniya ay natuto na siya sa ex niya.

Toni Fowler, ayaw pagtaasan ng boses ni Vince si Tyronia: "Natuto na ako"
Toni Fowler, ayaw pagtaasan ng boses ni Vince si Tyronia: "Natuto na ako"
Source: Instagram

Nagawa daw niya ito dati na nabigyan niya ng karapatan ang ex niya kaya hindi na daw mauulit iyon.

Paglilinaw ni Toni, hindi niya hinahayaang magalit si Vince pero pwede niya namang pagsabihan si Tyronia.

Read also

Ogie Diaz, nilinaw na wala siyang galit kay Bea Alonzo: "Feeling lang yon ng iba"

Dadating din daw ang panahon na pwede nang gawin iyon ni Vince pero sa ngayon daw ay hindi muna.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Paghirapan mo kung gusto mo na ma-upgrade ang posisyon mo sa buhay namin ni Tyronia.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Kris Aquino sa nagsabing nakarma siya: "Illness isn’t karma"

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel