Toni Fowler: "Wag kang babalik ng iiyak-iyak ha? Panindigan mo yan"

Toni Fowler: "Wag kang babalik ng iiyak-iyak ha? Panindigan mo yan"

- Nag-post si Toni Fowler ng isang status sa Facebook para sa isang taong hindi niya na pinangalanan

- Aniya, huwag itong babalik at iiyak-iyak at panindigan nito ang kanyang desisyon

- Maging ang kaibigang si Papi Galang ay panay din ang post matapos ang kanyang paglipat ng bahay para bumukod na silang mag-anak

- Gayunpaman, bago sila umalis ay nagkasagutan sina Papi at ang kaibigan nitong si Toni at kapatid ni Toni na si Mari Fowler

Nagbahagi si Toni Fowler ng makahulugang mensahe. Wala itong binanggit na pangalan ngunit aniya ay huwag daw babalik ng iiyak-iyak ang taong kanyang tinutukoy.

Toni Fowler: "Wag kang babalik ng iiyak iyak ha? Panindigan mo yan"
Toni Fowler: "Wag kang babalik ng iiyak iyak ha? Panindigan mo yan"
Source: Facebook

Aniya, panindigan nito ang kanyang desisyon. Matatandaang matapos ilabas ni Toni ang pinakabagong episode ng kanilang reality show ay sunod-sunod na rin ang patutsada ng kaibigan niyang si Papi Galang na bumukod na ng bahay kasama ang kanyang mag-aama.

Read also

Kapatid ni Dominic Roque, nag-post ng picture na nagpapakita ng 'wolf in sheep's clothing'

Bago sila umalis ay nagkasagutan sina Papi at ang kaibigan nitong si Toni at kapatid ni Toni na si Mari Fowler.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: