Jessy Mendiola at Luis Manzano, nalalapit na ang church wedding

Jessy Mendiola at Luis Manzano, nalalapit na ang church wedding

- Naibahagi ni Jessy Mendiola ang kasiyahan niya na sa wakas ay matutuloy na ang kanilang church wedding ni Luis Manzano

- Masaya siyang sa wakas ay ikakasal sila na naroroon din ang kanyang pamilya dahil noong kinasal sila sa civil wedding nila ay hindi nakapunta ang kanyang pamilya dahil kasagsagan noon ng pandemya

- Pagbabahagi pa ni Jessy, ang anak nilang si Peanut ang magiging little bride sa kanilang kasal

- Aniya, chill lang siya na bride kaya hinahayaan daw niya ang kanilang wedding coordinator sa kung ano sa tingin nila ang mas makakapagpaganda ng kasal nila

Masayang binahagi ni Jessy Mendiola ang tungkol sa church wedding nila ni Luis Manzano. Sa panayam na binahagi sa Very W^ng YouTube channel, sinabi niyang masaya siyang makakadalo ang kanyang pamilya sa espesyal na araw para sa kanila dahil hindi nakadalo ang kanyang pamilya noong civil wedding nila dahil na rin sa pandemya.

Read also

Melai Cantiveros, aminadong hindi inasahang mananalo siya ng acting award

Jessy Mendiola at Luis Manzano, nalalapit na ang church wedding
Jessy Mendiola at Luis Manzano, nalalapit na ang church wedding
Source: Instagram

Excited din sila dahil ang anak nila ni Luis na si Peanut ay magiging little bride.

Kwento pa ni Jessy, chill bride lang daw siya kaya relax lang siya at hinahayaan niya ang kanilang wedding coordinator sa kung ano ang sa tingin nila ay makakaganda sa kanilang kasal.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Luis Manzano ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kilala siya sa pagiging isa sa mahusay na TV hosts sa bansa. Ikinasal siya kay Jessy Mendiola na nakilala naman sa mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate