Pauleen Luna, may pasilip sa bagong silang na baby nila ni Vic Sotto

Pauleen Luna, may pasilip sa bagong silang na baby nila ni Vic Sotto

- Binahagi ni Pauleen Luna ang isang pasilip sa bagong silang na anak nila ni Vic Sotto

- Makikita ang bibig at ang maliit na bahagi ng pisngi ng baby sa post ni Pauleen sa kanyang Instagram story kalakip ng kanyang pagbati

- Binahagi rin ni Pauleen ang picture ng panganay na anak na si Tali na may hawak na bulaklak

- Matatandaang nag-post si Pauleen kahapon ng kanyang pinakahuling selfie bago siya manganak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Pauleen Luna sa kanyang Instagram story ng isang pasilip sa bagong silang na anak nila ni Vic Sotto. Sa kanyang post ay makikita ang bibig at bahagi ng pisngi ng baby.

Pauleen Luna, may pasilip sa bagong silang na baby nila ni Vic Sotto
Pauleen Luna, may pasilip sa bagong silang na baby nila ni Vic Sotto
Source: Instagram

Ibinida niya rin ang picture ni Tali na may hawak na bulaklak kalakip ang caption na 'A flower from the sweetest Ate in the world."

Read also

Sarah Lahbati sa mga anak: "Will do anything to make you both smile"

Bago siya manganak ay nakapag-post si Pauleen ng kanyang selfie at mensahe para sa kanyang pangalawang anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Pauleen Luna ay isang aktres at isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga. Kilala rin siya bilang si "Poleng" dahil sa galing niya sa panggagaya ng boses batang babae. Si Pauleen ay kinasal sa kanyang co-host na si Vic Sotto noong Enero 30, 2016. Ipinanganak ni Pauleen ang unang baby nila ni Vic noong November 6, 2017.

Kinaaliwan ang ibinahagi ni Pauleen na masayang kulitan nila kasama ang anak na si Tali at asawang si Vic. Nakipaglaro ang mag-asawa sa anak nila sa isang inflatable kiddie pool na mayroong slide. Hindi naman maitago sa mukha ng kanilang anak na makasama ang kanyang mommy at daddy. Marami sa mga netizens ang naaliw sa masayang bonding moment ng pamilya ni Bossing Vic.

Marami ang naaliw sa ibinahaging video ni Pauleen sa kanyang Instagram account. Ito ay ang video ng anak na si Tali kung saan tinuturo nito ang picture ng kanyang Tito Wally Bayola na kasama sa wedding pictures ng kanyang mga magulang. Inilarawan ni Tali ang kanyang Tito Wally na wala umano itong buhok at mukha daw itong squid. Matapos matawa ng kanyang ina, kinatwiran ni Tali na kaya niya nasabing mukhang squid ang kanyang Tito Wally ay dahil wala umanong buhok ang mga squid.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate