Xander Arizala, sinisingil si Merck sa video na ginawa daw siyang content
- Nilinaw ni Xander Arizala na papayag daw siyang 54K na bilhin ni Christian Merck Grey ang iPhone 15 na bigay nito sa kanyang anak
- Gayunpaman, aniya ay dapat bayaran ni Merck ang pamamahiya daw nito sa kanya
- Kahit tigkakalahati na lang daw sila sa lahat ng video na kung saan ginawa siyang content
- Kapag binayaran daw siya sa ginawa nito sa kanya nang P100K ay abswelto na daw ito sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sinagot ni Xander Arizala ang naging reaksiyon ni Christian Merck Grey na P100K daw niya ipagbibili ang cellphone. Ani Xander, ang kanyang pinupunto ay pinahiya siya nito at ginawang content ni Merck.
Aniya, kahit bigyan na lang daw siya ni Merck ng kalahati sa lahat ng kinita ni Merck sa paggawa niya ng content.
Anlaki ng kinita mo sa akin, kinontent mo ako kaya gusto kong mangyari bayaran mo ako kahit kalahati sa konontent mo sa akin.
Kapag daw binayaran daw siya sa ginawa nito sa kanya nang P100K ay abswelto na daw ito sa kanya. Kung hindi daw siya kayang bayaran ni Merck ng P100K ay ibebenta na lang daw niya ito sa iba.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Xander Ford ay ang dating pangalang ginamit ni Marlou Arizala, isang Filipino internet personality at dating miyembro ng grupong Hasht5. Noong 2017, nag-viral si Marlou Arizala matapos siyang sumailalim sa ilang cosmetic surgery procedures upang baguhin ang kanyang itsura. Matapos ang mga operasyon, nagdesisyon siyang gamitin ang pangalang "Xander Ford."
Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.
Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh