Rewind ng DongYan, Php845 million ang kinita; highest-grossing Filipino film of all time

Rewind ng DongYan, Php845 million ang kinita; highest-grossing Filipino film of all time

- Patuloy ang pagtangkilik ng publiko sa pelikulang 'Rewind' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera

- Kinumpirma ito ng ABS-CBN News kung saan umabot na sa P845 million ang kinita nito worldwide

- Dahil dito, sila na ang tinaguriang highest-grossing Filipino film of all time in Philippine domestic sales

- Isa ang pelikulang Rewind sa sampung naging entry sa Metro Manila Film Festival 2023

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umabot na sa tumataginting na P845 million ang kabuuang kinita ng pelikulang 'Rewind' na pinagbidahan nina Marian Rivera at mister nitong si Dingdong Dantes.

Rewind ng DongYan, Php845 million ang kinita; highest-grossing Filipino film of all time
Marian Rivera and Dingdong Dantes (@marianrivera)
Source: Instagram

Kinumpirma ito ng ABS-CBN News ngayong Enero 17, 2024.

"Star Cinema's "Rewind" is now the highest-grossing Filipino film of all time in Philippine domestic sales"

Isa lamang ang pelikulang ito ng DongYan sa sampung entry sa Metro Manila Film Festival 2023.

Read also

PCSO, trending matapos ang kanilang post kaugnay sa P43-M Lotto 6/42 jackpot winner

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa unang linggo pa lamang noong ng pagpapalabas ng mga MMFF movies, lumalabas na nangunguna na umano ang 'Rewind' sa madalas na ma-sold out sa dami ng mga tumatangkilik.

10 ang pelikulang naging bahagi ng 49th Metro Manila Film Festival sa taong 2023. Ito ay ang "A Family of 2 (A Mother and Son Story)," "(K)Ampon," "Penduko," "Rewind," "Becky and Badette," "Broken Heart’s Trip," "Firefly," "GomBurZa," “Mallari," and "When I Met You in Tokyo."

Isa sa mga labis na tinangkilik ng publiko sa naturang film festival ay ang pagbabalik pelikula nina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa "Rewind."

Minsan nang naikwento ni Marian na habang binabasa pa lang ang script ng naturang pelikula, labis na umano ang kanyang iniiyak. Ito ay dahil naiisip niya kung nangyayari nga ang mga eksena sa pelikula sa kanilang buhay mag-asawa. Inakala pa ng kanyang ina na siyang nakakita sa kanya na kung ano na ang problema ng aktres, kaya naman labis daw itong natawa nang malamang nagbabasa ito ng script na ganoon na lamang kaganda para mapaiyak nang husto si Marian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica