Andrea Schimmer, masaya para sa daddy niya: "Sana forever na talaga this time"

Andrea Schimmer, masaya para sa daddy niya: "Sana forever na talaga this time"

- Ayon sa anak ni Andrew Schimmer na si Andrea Schimmer, noong una ay nag-aalinlangan siya tungkol sa pagkakaroon ng bagong karelasyon ng ama niya

- Gayunpaman, aniya ay nakita niya kung gaano napapasaya ng kanyang Tita Dimps ang kanyang daddy

- Naisip din daw niya nung una ang kanyang mommy pero aniya dahil wala na physically ang kanyang mommy, alam daw niyang magiging masaya ito na may makatuwang ang kanyang daddy

- Aniya, mas masaya na sila nang dumating ang kanyang Tita Dimps at mga anak nito sa buhay nilang mag-aama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado ang anak ni Andrew Schimmer na si Andrea Schimmer na skeptical siya nung una tungkol sa pagkakaroon ng bagong karelasyon ng kanyang daddy. Gayunpaman, nagbago daw ito nang makita niya kung gaano napapasaya ng kanyang Tita Dimps ang kanyang daddy.

Read also

Miles Ocampo, naikwento ang pagiging cancer-free: "'Yung meds ko, habang buhay na siya"

Andrea Schimmer, masaya para sa daddy niya: "Sana forever na talaga this time"
Andrea Schimmer, masaya para sa daddy niya: "Sana forever na talaga this time"
Source: Facebook

Sa panayam ni Julius Babao, nabanggit ni Andrea na sana ay forever na ang kanilang relasyon. Pinayuhan niya pa ang daddy niya na maging mas romantic pa ito.

Aminado din siya na nag-alangan siya nung una pero aniya ay basta kung masaya ang kanyang daddy ay okay sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naisip din daw niya nung una ang kanyang mommy pero aniya dahil wala na physically ang kanyang mommy, alam daw niyang magiging masaya ito na may makatuwang ang kanyang daddy.

Since wala na po si mom ko here physically, Im sure she'd be happy din naman po na may makatulong kay daddy maka-move on.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Inabot ng isang taon ang pakikipaglaban ni Jho sa karamdaman niyang ito subalit namaalam na rin bago matapos ang taong 2022.

Read also

Andrew Schimmer at kanyang girlfriend, ikakasal na sa February 14

Ibinahagi ni Andrew Schimmer ang picture niya kasama ang kanyang mga anak kasama ang girlfriend niya at mga anak din nito. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na magkakasama sila ngayong Pasko. Maging ang kanyang girlfriend ay binahagi ang masayang picture ng kanilang blended family. Pinasalamatan nito si Andrew sa pagbibigay niya ng pag-asa sa kanya kagaya ng pinagpapasalamat din ni Andrew.

Inalmahan ni Andrew Schimmer ang post ng isang netizen na tinanong pa ni Andrew kung manghuhula ba talaga o script writer. Sa binahaging screenshot ng girlfriend ni Andrew ay sinasabi nito na pinagselosan na daw ng namayapang asawa ni Andrew ang kasalukuyang girlfriend nito. Gayunpaman, nanatili daw ang friendship nila ni Andrew at ngayon nga ay natuloy raw ang pagmamahalan nila. Isang commenter naman na binahagi din ng gf ni Andrew ang nagsabing hindi magkakakilala sina Andrew at ang gf nito noon kaya hindi totoo ang sinasabi nitong hula niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel