Melai Cantiveros, binahagi ang house tour sa kanilang kubo sa GenSan
- Binahagi ni Melai Cantiveros ang isang house tour sa rest house nila sa General Santos kung saan sila nagbakasyong mag-anak kamakailan
- Kasama ni Melai ang kanyang dalawang anak na sina Mela at Stella sa kanyang house tour
- Bukod sa presko at malinis na hangin, ibinida ni Melai ang magandang tanawin mula sa kanilang bahay kubo
- Malapit lang din ito sa airport at natatanaw sa kanilang bahay ang paglapag ng eroplano sa paliparan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ibinahagi ni Melai Cantiveros ang isang house tour sa kanilang bahay kubo sa General Santos City kung saan sila nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ang iba pa nilang kaanak. Bukod sa malinis at preskong hangin, maganda din ang view sa kanilang bahay kubo.
Malayo daw ito sa kalsada kaya walang masyadong ingay. Gayunpaman, dahil wala pang kuryente, generator ang kanilang ginagamit. Kahit mahangin ay nagpalagay sila ng aircon sa silid para kahit papaano ay komportable daw sila kapag tanghali.
Matatandaang naibahagi ni Melai ang kanilang mga picture sa naturang bahay bakasyunan kung saan nakasama nila ang iba pang kamag-anak.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.
Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.
Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.
Source: KAMI.com.gh