Bea Alonzo, sumabak sa lie detector test sa vlog ni Luis Manzano
- Sumalang sa lie detector test si Bea Alonzo sa bagong vlog ni Luis Manzano
- Kung sa mga vlog ni Bea ay siya ang nagtatanong sa kanyang mga guest, sinubukan niya namang sagutin ang mga tanong ni Luis sa kanya
- Marami ang naaliw sa mga patawang hirit ni Luis na nagpahalakhak din kay Bea
- Aminado si Bea na kinabahan daw siya bago pa magsimula ang pagtatanong ni Luis
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Si Bea Alonzo naman ang sumalang sa lie detector test sa vlog ni Luis Manzano. Ginawa nila ito sa tulong ng Eyespy na siyang kasama din ni Bea sa kanyang mga lie detector content sa kanyang vlog.
Kabilang sa tinanong ni Luis kay Bea ang mga bagay tungkol sa lovelife niya. Bentang-benta sa mga netizens ang biruan ng dalawa. Marami ang naaliw sa mga patawang hirit ni Luis na nagpahalakhak din kay Bea.
Kacute ni Luis tlgang best host,..di nkkaboring ..bilis ng panahon prang ksilan lng very cute shy boy
Yung habang nanood ako ako e nag kakape ako.. tapos kapag sa part n nakaka tawa n sinasabi ni luis ee tamang tama n humihigop ako ng kape..
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Yung reaction ni luis nung nalaman nia na may app c dom ng Viva Max
Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.
Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.
Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh