Toni Fowler, nagbalik-tanaw sa mga pagkakataong nakatanggap siya ng singsing

Toni Fowler, nagbalik-tanaw sa mga pagkakataong nakatanggap siya ng singsing

- Nagsalita si Toni Fowler kaugnay sa 299 engagement ring na nag-viral kamakailan

- Inihambing niya ito sa kanyang karanasan na ilang beses din nakatanggap ng mga singsing

- Nilinaw niyang hindi siya nagbabalik ng isyu at sana daw ay walang mang-bash dahil okay daw sila ng ex niyang si Rob Moya

- Nakatanggap siya ng dalawang singsing mula kay Rob pero hindi niya tinanggap ang proposal sa kabila ng mamahaling singsing na binigay sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Minabuti ni Toni Fowler na pagbigyan ang kanyang mga followers sa hiling nila na magbigay siya ng opinyon niya tungkol sa trending na 299 engagement ring. Napabalik-tanaw siya sa dalawang relasyon niya na nakatanggap siya ng singsing.

Toni Fowler, nagbalik-tanaw sa proposal ni Vince gamit lang ang Cheese ring
Toni Fowler, nagbalik-tanaw sa proposal ni Vince gamit lang ang Cheese ring
Source: Facebook

Nabanggit niyang dalawang beses siya nakatanggap ng mamahalin na singsing mula sa kanyang dating karelasyon na si Rob. Gayunpaman, nilinaw niyang maayos ang pagkakaibigan nila ni Rob sa ngayon.

Read also

Sachzna Laparan, naiyak matapos ma-prank ng driver: "Iiyak ka talaga pag ikaw pinababa"

Nabanggit niya na nang tanungin siya ni Vince kung pwede siya manligaw ay umuo siya kahit Cheese ring lang ang binigay nitong singsing dahil naramdaman niya ang effort mula kay Vince at tinanong pa daw nito maging ang kanyang pamilya.

Ani Toni, napagtanto niyang hindi ito tungkol sa presyo ng singsing kundi kung paano iparamdam ng partner niya ang pag effort nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Para naman sa kanya, hindi dapat ma-bash yung babaeng nag-post tungkol sa kanyang saloobin sa mumurahing singsing para sa kanya. Kulang lang daw sa pagpapaliwanag ang babaeng nag-post.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Read also

Claudine Barretto: "Never nag advice si Ate V tungkol sa mga decision ko"

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate