Sachzna Laparan, naiyak matapos ma-prank ng driver: "Iiyak ka talaga pag ikaw pinababa"

Sachzna Laparan, naiyak matapos ma-prank ng driver: "Iiyak ka talaga pag ikaw pinababa"

- Naiyak si Sachzna Laparan matapos siyang pababain ng inakala niyang Grab driver na nasakyan nila

- Base sa video na binahagi niya, nagpa-book lang sila dahil coding ang sasakyan nila

- Siningil siya ng nagpakilalang driver ng 3,000 dahil katwiran niya ay vlogger naman si Sachzna at namimigay naman daw ito ng pera sa kanilang live

- Kinasabwat pala ito ng kanyang kasama para ma-prank si Sachzna at hindi talaga ito driver ng Grab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mangiyak-ngiyak si Sachzna Laparan matapos silang ibaba ng inakala niyang Grab driver na na-book nila dahil ayaw niyang magbigay ng 3000 dahil sa umano'y pagpapapaantay nila sa driver. Coding daw kasi ang sasakyan nila kaya sila nagpa-book ng Grab.

Sachzna Laparan, naiyak matapos ma-prank ng driver: "Iiyak ka talaga pag ikaw pinababa"
Sachzna Laparan, naiyak matapos ma-prank ng driver: "Iiyak ka talaga pag ikaw pinababa"
Source: Facebook

Ayon sa driver, matagal siyang naghintay kaya pinagbabayad niya ng P3000 sina Sachzna. Katwiran niya, namimigay naman daw ng pera si Sachzna sa live nito.

Read also

Toni Fowler, nagbalik-tanaw sa mga pagkakataong nakatanggap siya ng singsing

Matapos niyang tanggihan ang driver ay pinababa sila nito. Ito ay sa kabila ng pagpayag niya kinalaunan na magbigay na lang siya ng tatlong libo.

Natawa na lang siya nang bumalik ang naturang driver. Kinasabwat pala ito ng kanyang kasama para ma-prank siya at hindi talaga ito driver ng Grab.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life (2019), Happy Breakup (2017) and Nothing But the Bests! (2017).

Matatandaang nagsalita na si Jomar Lovena kaugnay sa issue ng sagutan nina Sachzna at Veybillyn Gorens. Nilinaw ni Jomar na walang namamagitan sa kanila ni Sachzna at lahat ng kanilang ginagawa ay para lang sa content. Kahit noon pa man daw na magkasama sila sa paggawa ng vlogs ay para lang daw talaga sa vlog ang lahat at para mapasaya ang supporters nila. Humingi siya ng tawad sa aniya'y mga taong nasaktan at nagalit dahil sa nangyari.

Read also

'Tatay Elon', umalma sa mga naging pahayag ng anak niya tungkol sa kanya

Samantala, ayon kay Sachzna binura na lamang niya ang kanyang 'patol moments'. Ito ay matapos sabihan siya ng kanyang ina na burahin na daw ang mga ito at idaan na lang daw sa pagsampa ng kaso. Aniya, kailangan niyang sundin ang kanyang nanay lalo at matino daw ang kanyang nanay. Burado na rin ang kanyang naunang post kung saan makikita ang sagutan nila ni Veybillyn Gorens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel