Toni Gonzaga, napansing maraming kamukhang artista si Alden Richards

Toni Gonzaga, napansing maraming kamukhang artista si Alden Richards

- Napansin ni Toni Gonzaga na sa personal, marami umanong kamukhang artista si Alden Richards

- Una na rito si John Lloyd Cruz maging si Diether Ocampo na dati raw nakatrabaho ni Toni

- Ani Alden, marami na rin umanong nakakapansin nito sa kanya

- Naging abala si Alden kamakailan sa MMFF movie kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam ni Toni Gonzaga sa programa niyang Toni Talks kay Alden Richards, napansin niyang marami raw itong male celebrity na kamukha.

Toni Gonzaga, napansing maraming kamukhang artista si Alden Richards
Alden richards and Toni Gonzaga (Toni Gonzaga Studios)
Source: Youtube

"Kasi alam mo, habang nagsasalita ka, nakatitig ako sa'yo 'no. In person pala, ang dami mong kamukha. May nagsabi na sa'yo non? Habang nakaganun ka, nakikita ko si John Lloyd. Ngayong humarap ka minsan may pagka-Diether," ani Toni.

"Susmaryosep, karami!" ang naging reaksyon naman ni Alden nang mabanggit ito ni Toni sa umpisa pa lamang ng interview nito sa kanya.

Read also

Alden, nakwento ang pagiging brokenhearted: "Start of 2023, first three months of it"

Naikwento naman ni Alden na noon pa man ay napapansin na nga ito sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Number 1 diyan si Idan (John Lloyd Cruz). Number 2 Joshua Garcia," saad ni Alden.

Bukod kina John Lloyd at Diether, nabanggit din ni Toni si Hero Angeles na kahawig din ni Alden.

Narito ang kabuuan ng mga naging komento ni Toni kay Alden mula sa Toni Talks ng kanyang Toni Gonzaga Studio YouTube channel:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nakilala siya sa pagiging isang host ng Eat Bulaga kung saan nabuo ang love team nila noon ni Maine Mendoza, ang Aldub. Subalit dalawang taon ding namahinga si Alden sa programa at pansamantalang nakabalik noong Marso. Subalit muli na naman siyang nawala roon dahil na rin sa paglisan ng mga orihinal na host nito.

Read also

Marian Rivera, sa bagong taon: "pwede ka pa ring mag-refocus, at mag-restart"

Kamakailan, bumida muli si Alden sa pelikulang kasama niya sa Julia Montes. Ito ang pagbabalik pelikula ni Alden kung saan iba naman ang kanyang kapareha. Matatandaang pumatok sa takilya ang pelikula nilang Hello, Love, Goodbye ni Kathryn Bernardo.

Samantala, isa si Megastar Sharon Cuneta sa mga kilalang personalidad na hanga umano sa kabutihang ipinakikita ni Alden. Kasama niya ito sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival movie na pinagbidahan nila ang 'Family of Two'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica