Andrea Brillantes, nag-post ng New Year message: "I am grateful for everything"

Andrea Brillantes, nag-post ng New Year message: "I am grateful for everything"

- Napabalik-tanaw si Andrea Brillantes sa taong 2023 sa kanyang binahaging mensahe para ngayong bagong taon

- Aniya, marami ang nangyari sa 2023 kabilang na ang magaganda at hindi na aniya ay bumuo sa kung ano siya sa ngayon

- Pinasalamatan niya rin ang lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang buhay nitong nagdaang taon

- Sa kabila ng lahat, pinagpapasalamat pa rin daw niya ang lahat ng nangyari sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Andrea Brillantes ng mensahe niya sa pagdiriwang ng bagong taon. Napabalik-tanaw siya sa taong 2023 kung saan aniya ay maraming nangyari na kanyang pinagpapasalamat.

Andrea Brillantes, nagpost ng New Year message: "I am grateful for everything"
Andrea Brillantes, nagpost ng New Year message: "I am grateful for everything"
Source: Instagram

Binalikan niya ang aniya'y highs and lows ng kanyang buhay nitong nagdaan na taon. Sa kabila ng mga nangyari, ito daw ang humulma sa kung ano siya sa kasalukuyan kaya pinagpasalamat niya ito.

Read also

Sharon Cuneta: "Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami"

Pinasalamatan niya rin ang lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang buhay nitong nagdaang taon.

I am beyond grateful for everything I experienced and for everyone who was a part of my year. I deeply appreciate each and every one of you. Happy New Year!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Read also

Maris sa taong 2023: "Maraming maraming salamat sa lahat ng roles na binigay mo sa'kin"

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel