Empoy Marquez, naiyak sa prank nina Kim Molina at Ogie Diaz

Empoy Marquez, naiyak sa prank nina Kim Molina at Ogie Diaz

- Hindi napigilang maiyak ni Empoy Marquez nang ma-prank siya nina Kim Molina at Ogie Diaz

- Late umano si Empoy sa interview ni Ogie Diaz para sa channel nito kung saan kasama rin niya si Kim

- Dahil dito, naisipan ni Ogie na i-prank si Empoy kaya naman tinodo ni Kim ang pagkukunwaring hindi sila natuwa ni Ogie sa pagpapahintay ni Empoy

- Nang malamang ito'y prank lamang, naluha si Empoy na aniya'y nagpigil lamang ng kanyang damdamin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang naiyak si Empoy Marquez nang malamang na-prank lamang umano siya nina Kim Molina at Ogie Diaz.

Empoy Marquez, naiyak sa prank nina Kim Molina at Ogie Diaz
Kim Molina and Empoy Marquez (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Panauhin ni Ogie sina Kim at Empoy subalit na-late ang 'Kita-kita' actor sa kanilang call time.

Dahil dito, naisipan ni Ogie na i-prank si Empoy at kunwaring hindi sila natuwa ni Kim sa pagka-late nito.

Read also

Ray Parks kay Zeinab: "I wouldn't be wasting my time if I don't see you in my future from day 1"

Kunwaring nais na mag-back out ni Kim at sinabing may kailangan pa umano siyang gawin para sa Pasko gayung kinunan ang interview ng December 23.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

At sakali namang ituloy, hindi nalang daw sana sila magkasama ni Empoy.

Maging si Ogie ay kunwaring napagsabihan si Empoy at naiugnay pa ang pagiging maaga nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na nauna niyang na-interview.

Natanong pa niya si Empoy kung tila lumalaki na raw ang ulo nito sa sa kasikatang natatamo.

At nang sabihing prank lamang ang lahat, hindi na napigilang maluha ng komedyante na hindi na nakasalita ng iba kundi "Sorry."

Narito ang kabuuan ng panayam ni Ogie kina Kim at Empoy sa kanyang Ogie Diaz Inspires channel:

Si Julius Erman Ramos Marquez o mas kilala bilang 'Empoy' ay isang actor/ comedian sa bansa. Gumawa ng ingay ang kanyang pangalan sa industriya dahil sa nakamamanghang pagganap niya sa pelikulang kasama si Allesandra De Rossi, ang 'Kita kita.' Ito ang naging daan para magkaroon siya ng Best Actor nomination sa Gawad Urian.

Read also

Miles Ocampo sa best supporting actress award: "Pina-praktis ko lang 'to dati"

Samantala, si Kimverlie "Kim" Soriano Molina, o mas kilala bilang si Kim Molina ay isang Filipina singer at actress na unang nakilala sa husay ng pagganap niya bilang si Aileen sa long-running Filipino stage musical na 'Rak Of Aegis', Savannah sa drama series 'Kadenang Ginto', Peng sa digital iWant movie na 'MOMOL Nights', at Elsa sa mainstream film na #Jowable kung saan isa na siya sa mga box-office actress dahil tumabo ang kita ng pelikula ng Php100 million.

Sa darating na Enero 8, ipalalabas ang pelikula nina Kim at Empoy ang My Zombabe. Dahil dito, tinagurian silang 'Pamatay na tambalan ng taong 2024.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel