Christian Bables, naiyak nang mapag-usapan ang pangungulila sa ama
- Hindi napigilang maging emosyonal ni Christian Bables nang mapag-usapan nila ni Karen Davila ang tungkol sa kanyang ama
- Edad walo nang siya ay maulila na sa ama at tandang-tanda pa umano niya ang kanilang huling pag-uusap
- Dahil dito, labis niya umanong pinahahalagahan ang mga taong nagsilbing ama niya maging hanggang ngayon na isa na siyang kilalang artista
- Isa ang pelikula na kinabibilangan ni Christian sa pasok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naiyak ang aktor na si Christian Bables sa panayam sa kanya ni Karen Davila.
Ito ay nang mapag-usapan nila ang tungkol sa kanyang ama na pumanaw na noong siya ay walong taong gulang pa lamang.
"Sobrang vivid. Sobrang vivid sa mind ko. Pinagbakasyon ako noon ng Mommy sa probinsya. Tapos 'nung night bago siya namatay, tinawagan niya pa ako na parang o kumusta ka na?"
"Naalala ko, habang magkausap kami sa telepono, ang hangin-hangin. Naririnig ko sa kabulang linya, ang daddy umiiyak. Hindi siya nagsasalita, umiiyak lang siya. So ako lang yung salita nang salita. Daddy bakit ka ba umiiyak? Tapos kinabukasan, bigla na akong pinapauwi na kaagad.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Dahil dito, labis umano niyang pinahahalagahan ang mga taong nakikilala at nagsisilbing ikalawang ama niya maging ang mga malalapit na tao sa kanyang puso.
"Alam ko 'yung pakiramdam na hindi mo masabi 'yung kung gaano ka ka-thankful sa isang tao. Kung gaano mo kamahal 'yung isang tao. Bigla na lang mawawala sa'yo yung taong 'yun"
"As much as possible, ayun yung pananaw ko sa life. I say thank you, I say I love you sa mga taong alam kong mahal ko"
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Christian sa panayam sa kanya ni Karen Davila:
Si Christian Mercurio Bables ay isang Filipino actor. Hinirang siya bilang Best Leading Actor sa 5th Hanoi International Film Festival para sa karakter niyang "Intoy" sa pelikulang Signal Rock. Nagwagi rin siya bilang Best Supporting Actor sa Gawad Urian para sa kanyang trans woman role na si "Barbs" sa pelikulang Die Beautiful na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros.
Kamakailan, kinagiliwan online ang video kung saan kuha nang minsan siyang maging guest reporter ng TV Patrol. Dahil live ang naturang programa, sapul na sapul ang hindi napigil na pagbungisngis ni Christian.
Samantala, kinagiliwan din kamakailan ang sweet at makulit na birthday greeting ni Christian sa best friend niyang si Jennica Garcia. Tinawag niya itong "Disney Princess" at biniro niya ito na tigilan na umano ang pagpapantasya sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh