Small Laude: "My daughter got left behind because of PAL's wrong decision"

Small Laude: "My daughter got left behind because of PAL's wrong decision"

- Dismayado si Small Laude at ang kanyang pamilya sa naging desisyon ng PAL kaugnay sa Canadian temporary passport ng anak niya

- Sinabi daw sa kanila na tinawagan daw ng PAL ang Japanese Embassy at hindi pwede ang dokumentong hawak nito

- Gayunpaman, napag-alaman daw nila na ang anak ng kaibigan niya ay napayagan naman na may hawak din na US temporary passport

- Aniya, umuwi daw na umiiyak ang anak niyang si Allison dahil sa nangyari at maging sila ay na-stress

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naghayag ng pagkadismaya si Small Laude dahil aniya ay nasira ang kanila sanang masayang family vacation dahil sa naging desisyon daw ng PAL. Umuwi daw na umiiyak ang anak niyang si Allison dahil sa nangyari at maging sila ay na-stress.

Small Laude: "My daughter got left behind because of PAL's wrong decision"
Small Laude: "My daughter got left behind because of PAL's wrong decision"
Source: Instagram

Napag-alaman daw nila na ang anak ng kaibigan niya ay napayagan naman na may hawak din na US temporary passport. Kaya naman, napatanong siya kung bakit hindi napayagan ang anak niya na makasakay sa eroplano papunta sanang Japan.

Read also

Small Laude, nakasama na ang anak na si Allison sa Japan

My daughter got left behind because of PAL's wrong decision! Its ruined our family vacation and it caused us so much stressed. Allison was in tears leaving the airport going back to the house. The check-in manager said they called the Japanese Embassy that my daughter's Canadian temporary passport will not be allowed entry into Japan, but learned she did not call at all. We found out later it's allowed!!! PAL should be responsible with their decisions. @flypal

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Small Laude ay isang content creator na nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na YouTube vlogs. Dumami ang kanyang followers sa YouTube lalo na noong pandemya at nagkaroon ng lockdowns. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit 2 million subscribers sa YouTube.

Sa isang vlog episode ni Small, nakasama niya si Alex Gonzaga. Marami umano ang humihiling na magkaroon sila ng collaboration dahil sa kanilang pagkakaparehas umano. Sumabak sila sa What's in the Box Challenge with a Twist kung saan sasagot sa tanong ang hindi makakahula ng mistery item. Marami ang natuwa sa video na ito ni Small lalo at nakasama niya si Alex na masayahin at palabiro din kagaya niya.

Read also

Heart Evangelista, puring-puri ang ganda ni Gretchen Barreto nang magkita sila sa Aivee clinic

Sa kanyang collaboration kasama si Small Laude, hindi pinalampas ni Alex ang pagkakataon na ma-prank ang kapwa niya vlogger. Pinalabas niyang namomroblema siya matapos siyang maloko sa pera na nagkakahalaga ng 80 milyong piso. Kahit medyo malaking halaga ang sinabi ni Alex na kanya sanang hihiramin, agad na kinausap ni Small ang kanyang asawa. Kilala si Small bilang isa sa mga YouTube content creator na mayaman kahit bago pa sumikat sa vlogging.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate