Jelai Andres, nagkomento sa sweet na video nina Zeinab at Ray: "Lord ba't ganyan ka sa iba?"

Jelai Andres, nagkomento sa sweet na video nina Zeinab at Ray: "Lord ba't ganyan ka sa iba?"

- Kinaaliwan ang komento ni Jelai Andres sa TikTok post ni Zeinab Harake kung saan binahagi niya ang sweet na video clip nila ni Bobby Ray Parks

- Sa naturang post ay inihayag ni Zeinab ang kanyang saloobin tungkol sa pagiging masaya niya dahil kay Ray

- Pabiro namang nagkomento si Jelai dito na nagsabing hindi na lang daw siya magti-TikTok

- Sagot naman ni Zeinab kay Jelai, palaging nakakaaliw ang kanyang mga hirit pero aniya ay siya na ang susunod na magiging masaya kagaya niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Zeinab Harake ay naaliw sa hirit ng kaibigan niyang si Jelai Andres sa TikTok video niya. Binahagi ni Zeinab sa TikTok ang sweet na video nila ni Bobby Ray Parks na aniya ay ang taong dahilan ng pagiging masaya niya.

Read also

Ivana Alawi, naiyak sa prank ni Marian: "Hindi kasi nagpa-prank si Marian Rivera"

Jelai Andres sa sweet na video nina Zeinab at Ray: "Lord bat ganyan ka sa iba?"
Jelai Andres sa sweet na video nina Zeinab at Ray: "Lord bat ganyan ka sa iba?"
Source: Instagram

Pabirong sinabi ni Jelai na tila hindi patas sa kanya si Lord. Dagdag pa niya hindi na lang daw siya magti-TikTok.

Halaaaa! Lord bat ganyan ka sa iba? Wehehe jok lang po. Yoko na nga mag tiktok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sagot naman ni Zeinab kay Jelai, palaging nakakaaliw ang kanyang mga hirit pero aniya ay siya na ang susunod na magiging masaya kagaya niya.

Aliw ka palagi whahahaha i love you soon ikaw naman

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama. Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge.

Read also

Cristy, nabalitaang nagpapatulong umano si Daniel sa mga kaibigan na ma-win back si Kathryn

Samantala, naghayag ng kanyang suporta si Zeinab sa kaibigang si Awra Briguela. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya matapos kumalat ang video ng pagkakasangkot niya sa isang rambol. Ani Zeinab, si Awra ay isang kaibigan na sobrang mapagmahal na handang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kanyang pagmamahal sa kaibigan. Aniya, hindi din nila iiwan si Awra at ipaglalaban din nila si Awra bilang mga totoong kaibigan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel