Christian Bables, may sweet at makulit na birthday post kay Jennica Garcia

Christian Bables, may sweet at makulit na birthday post kay Jennica Garcia

- Isang sweet at makulit na birthday post ang handog ni Christian Bables kay Jennica Garcia

- Kasama pa nito ang picture ng aktres na nakatulog na bibihirang makita ng publiko

- Samantala, may makulit na komento rin si Jennica sa naturang post

- Ipinagdiriwang ni Jennica Garcia ang kanyang kaarawan, isang araw matapos ang Kapaskuhan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinagiliwan online ang sweet at makulit na birthday greeting ng aktor na si Christian Bables sa kanyang best friend na si Jennica Garcia.

Christian sa birthday ni Jennica: "Tigilan mo nang pagpantasyahan ako please, nakakapagod na"
Christian Bables at Jennica Garcia (@christiaaan06)
Source: Instagram

Sa kaarawan nito noong Disyembre 26, makikita ang larawan ni Jennica na natutulog sa post ni Christian.

"Sa Disney Princess na parang umiilaw pag natatapatan ng araw, mahal na mahal kita. Hindi ako mapapagod asarin ka at iparamdam sayo paulit ulit na ang sarap sarap ko," ang panimula ng post ni Christian.

Read also

Christian Bables, binati si Jennica Garcia sa kaarawan nito: "Happy birthday, mahal ko"

Gaya ng kanyang sinabi, inasar pa umano niya ang kaibigan patungkol sa pagpapantasya raw nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Tigilan mo nang pag pantasyahan ako please, nakaka pagod na"

Gayunpaman, naroon pa rin ang nakakatunaw na pangako ni Christian sa kanyang 'tol' na si Jennica.

"Happy birthday, mahal ko! Mamahalin at poprotektahan kita hanggang humihinga ako tol"

Samantala, sinagot naman ito ni Jennica sa comments section ng naturang post

"Birthday na Birthday ko pinagdidilim mo paningin ko! Sa dami ng pwedeng ipost na picture pisti ka, mahal kita. Thank you tol!!! Alabyu pureber!"

Narito ang kabuuan ng post:

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya. Ayon kay Jennica, dalawang taon na umano siyang single mother ng kanyang dalawang anak.

Read also

Sharon Cuneta, nabahala sa lagay kalusugan: "Please, if you can pray for me?"

Malaking bagay ang pagkakaroon umano niya ng mga proyekto dahilan para makabili muli siya ng aircon nilang mag-iina na ilang buwan din umano nilang kinaya na wala. Paliwanag ni Jennica, nasira ang dating aircon na hindi angkop sa tinitirahan nila.

Samantala, naging usap-usapan si Jennica kamakailan dahil umano sa kakaibang closeness nila ng Dirty Linen co-star na si Christian Bables. Ani Jennica, tropa lang sila ni Christian at alam niya umanong hindi siya magugustuhan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel