Boyet de Leon, inalala ang pagsubok ng anak na si Miguel: "God paid for the bill"
- Naibahagi ni Christopher De Leon ang isa sa mga nalampasan nilang pagsubok bilang pamilya
- Ito ay nang ma-diagnose ang anak niyang si Miguel ng testicular cancer at kinailangan nitong sumailalim sa operasyon noon sa Amerika
- Ngayon, inspirasyon ang hatid ng kwento ng pamilya ni Boyet kung paano nito hinarap at naipanalo
- Sa ngayon, aktibo pa rin sa telebisyon at pelikula si Boyet na mapapanood sa 'Batang Quiapo' at sa pelikula nila ni Vilma Santos na kalahok sa MMFF 2023
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inalala ni Christopher De Leon ang isa sa mga matitinding pagsubok ng kanilang pamilya na kanila umanong nalampasan.
Sa panayam sa kanila ni Ogie Diaz, idinetalye ni Boyet ang hindi malilimutang pangyayari kung saan na-diagnose ng testicular cancer ang anak na si Miguel noong 2014.
Aminado siyang hindi madali ang lahat dahil bukod sa karamdaman ng anak, kinailangan pa niyang magbiyahe pabalik-balik sa Pilipinas at sa Estados Unidos kung saan nakabase si Miguel.
"That was like one of the most terrifying moments in my life when that happen," Ayon sa Batang Quiapo actor.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa rin sa inalala ni Boyet ang bills ngunit aniya, isa rin ito sa milagrong nangyari sa kanila.
"I was worried about the expenses. We we're really worried about the expenses. You know, how many days in the hospital. Months... dollars. You have to fly back and forth I was working e."
"The miracle of everything is God paid for the bill... Took care of everything"
"Because insured siya. May California Obama care... minus, minus, minus and then meron naman ako kahit papano, God took care of the bill."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Christopher De Leon ay isa sa mga respetadong aktor sa Pilipinas. Siya ay 67 taong gulang na aktor na aktibo na sa paggawa ng pelikula mula pa noong 1970's. Sa ngayon, patuloy pa rin siyang napapanood sa telebisyon tulad ng Batang Quiapo at patuloy pa rin ang paggawa niya ng pelikula. Tulad na lamang ng Metro Manila Film Festival movie nila ni Vilma Santos, ang 'When I met you in Tokyo.'
Samantala, sa naturang panayam din ni Ogie Diaz kina Vilma at Boyet, na-prank ang Star for all Seasons. Naluha ito sa tindi ng emosyon sa pag-aakalang totoong nainsulto si Boyet sa tanong ni Ogie kung sino sa palagay nito ang maaring susunod kay Christopher de Leon sa henerasyon ngayon.
Makikitang nag-aalala ang Star for all Seasons sa naging mga sagot ni Boyet na aniya, sa loob ng halos 40 taon na ito'y nakakasama niya sa trabaho o bilang malapit na kaibigan, halos 'di siya makapaniwala sa mga sagot nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh