Madam Inutz, sinabing wag siyang ibilang sa mga kunsintidor na kaibigan

Madam Inutz, sinabing wag siyang ibilang sa mga kunsintidor na kaibigan

- Nagbahagi ng post si Madam Inutz kaugnay sa pagiging isang kaibigan

- Aniya, kaya madami ang nagkakasala ay dahil sa mga kunsintidor na kaibigan na nagsasabing okay lang magkasala dahil tao lang

- Aniya, huwag daw siyang ibilang sa mga ganitong uri ng kaibigan

- Umani ng samu't-saring komento at reaksiyon ang post na ito ng dating Pinoy Big Brother housemate

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng saloobin si Madam Inutz kaugnay sa aniya'y kunsintidor ng kaibigan. Iginiit niyang hindi siya ganoong klase na kaibigan.

Madam Inutz, sinabing wag siyang ibilang sa mga kunsintidor na kaibigan
Madam Inutz, sinabing wag siyang ibilang sa mga kunsintidor na kaibigan
Source: Facebook

Aniya, kaya dumadami ang mga nagkakasala ay dahil sa mga kunsintidor na kaibigan na nagsasabing okay lang magkasala dahil tao lang.

KAYA DUMADAMI ANG NAG KAKASALA KASI NANJAN SI KUNSINTIDOR NA KAIBIGAN. NAG SASABING OK LANG YAN TAO KA LANG ‍♀️‍♂️ WAG NYO KONG IBILANG

Read also

Ogie D sa pananahimik ni Blythe: "Siguro hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Umani ng mga komento ang post na ito ni Madam Inutz na sa kasalukuyan ay limitado na ang comments section. Narito ang ilan sa mga komento:

It's not papansin. it's a reminder na Hindi lahat nang kaibigan kukunsintihin ang pag kakamali mo. Kung Hindi nmn ng popost c madam, mg overthink lang tayo bakit walang post.
May ganyang kaibigan tlga Pero nasa babae o lalake pa din yan kung mag papa impluwensya.
Yan Ang totoong kaibigan Hindi ka kukunsintihin sa mga kamalian mo

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapa-manage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Read also

Ogie D, nakausap ang kaibigan ni Richard: "Kung malalaman ko lang daw ang katotohanan"

Sa isang video niya ay pinakita ni madam Inutz ang pagsama niya ng kanyang boyfriend na si Tantan sa kanilang pagpunta sa mall kasama ang manager na si Wilbert Tolentino at si Herlyn Budol. Ito umano ang unang pagkakataon na nagkita sa personal ang boyfriend at ang manager nila ni Herlene kaya naisipan nilang lumabas at mag-group date. Marami naman sa mga viewers ni madam Inutz ang masaya para sa kanyang mga tinatamasa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel