Ogie D sa pananahimik ni Blythe: "Siguro hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production"

Ogie D sa pananahimik ni Blythe: "Siguro hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production"

- Sa kabila ng umano'y pagkakadawit 'di umano ng kanyang pangalan sa hiwalayang Kathniel, tahimik pa rin si Andrea Brillantes

- Ani ogie Diaz, maaring pinipigilan na rin itong magsalita ng production o kanyang management

- Lalo na at maganda ang umano ang reaksyon ng publiko sa serye nitong 'Senior High'

- Napuri rin ni Ogie ang husay sa pag-arte ni Andrea kahit dalawa pa ang karakter nito sa kanyang serye

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa Ogie Diaz Youtube channel ay ang pananahimik ni Andrea Brillantes sa kabila ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayan ng KathNiel.

Ogie D sa pananahimik ni Blythe: "Siguro hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production"
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Hindi maiiwasang maihambing ito sa kanyang reaksyon sa hiwalayan nila ng basketball player na si Ricci Rivero at maging sa bagong karelasyon nito.

Read also

Ogie D, nakausap ang kaibigan ni Richard: "Kung malalaman ko lang daw ang katotohanan"

Ani Ogie Diaz, maaring hindi pinahintulutan si Andrea ng kanyang management na magsalita kaugnay sa isyu.

"At saka siguro, hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production, Ng mga may kinalaman sa kanyang career. Kasi nga whatever she says, ganun pa din. Makakakita't makakakita pa rin ng mali 'yung mga tao," paliwanag ni Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Andrea sa seryeng Senior High. Maganda naman ang reaksyon ng publiko sa seryeng ito kaya marahil hindi na rin daw nagsalita pa si Andrea tungkol sa mga isyung ipinupukol sa kanya.

Gayunpaman, napuri rin ni Ogie Diaz si Blythe sa husay nito sa pag-arte bilang dalawang karakter sa Senior High.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie ukol kay Andrea:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Read also

Herlene Budol matapos masangkot sa isyu: "Bakit ako nakaladkad?"

Kamakailan, nabanggit ni Cristy Fermin na umano'y naaawa siya kay Andrea Brillantes dahil sa kung ano-ano na ang bansag sa kanya ng publiko.

Matatandaang ipinagtanggol pa ni Cristy Fermin si Andrea na siyang naiuugnay 'di umano sa hiwalayan ng Kathniel. Tila nakiusap siya sa publiko na sana'y huwag nang idamay pa si Blythe sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica