Melai, feeling summa cúm laude sa bonggang regalo sa kanya ni Regine

Melai, feeling summa cúm laude sa bonggang regalo sa kanya ni Regine

- Ibinida ni Melai Francisco ang regalo sa kanya ng co-host na si Regine Velasquez

- Ginawa niya ang unboxing nito sa TikTok page ng showbiz reporter na si Darla

- Ito raw ang congratulatory Christmas gift sa kanya ni Regine na kanyang biniro na hanggang birthday na rin niya umano

- Matatandaang naparangalan si Melai bilang best actor para sa kanyang Philippine-South Korean action-comedy film na "Ma'am Chief: Shakedown in Seoul"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Walang pagsidlan ng kasiyahan si Melai Cantiveros nang bigyan siya ng regalo ng nag-iisang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Melai, feeling summa cúm laude sa bonggang regalo sa kanya ni Regine
Melai, feeling summa cúm laude sa bonggang regalo sa kanya ni Regine (@darlasauler
Source: TikTok

Sa TikTok ni Darla Sauler, ginawa ni Melai ang unboxing video ng bonggang Christian Dior bag mula sa kanyang Momshie Reg.

"Guys alam niyo binigyan ako ng gift ni Momshie Reg, Congratulatory Christmas gift. Sabi ko hanggang birthday na 'to, 'wag ka nang magregalo."

Read also

Manager ni Ronaldo Valdez sa nagkalat ng video ng pagresponde sa aktor: "Mga walang respeto"

Pagbibiro pa ni Melai, hindi niya raw tatanggalin ang cover ng handle nito gayung original ang bag na ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"First time ko magkaroon ng ganito kasi may ganito na rin ako noon pero fake lang"
"Thank you Momshie Reg, You're the best. 'Di lang ako first honor, valedictorian... summa cúm laude na talaga ako"

Matatandaang nagwagi kamakailan si Melai bilang best actor para sa kanyang Philippine-South Korean action-comedy film na "Ma'am Chief: Shakedown in Seoul" sa Asia Artist Awards 2023 na ginanap kamakailan sa Philippine Arena.

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Read also

Annabelle Rama, namangha sa mansyon nina Manny Pacquiao

Kamakailan, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jason. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Naging bahagi si Melai ng noontime show na It's your Lucky Day. Ito ang programang pansamantalang pumalit sa It's Showtime habang hinaharap nito ang kanilang 12-day suspension ng MTRCB. Kasama ni Melai sa nasabing noontime show sina Luis Manzano, Robi Domingo, FranSeth, mga komedyanteng sina Long Mejia, Negi, Divine Tetay at Petite.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica