Manager ni Ronaldo Valdez sa nagkalat ng video ng pagresponde sa aktor: "Mga walang respeto"

Manager ni Ronaldo Valdez sa nagkalat ng video ng pagresponde sa aktor: "Mga walang respeto"

- Labis na ikinagalit ng manager ng yumaong si Ronald Valdez ang pagkalat ng video nito

- Kuha 'di umano ito sa pagresponde kay Ronaldo sa mismong bahay nito sa New Manila, Quezon City

- Hindi nito napigilang mapamura sa mga umano'y bumastos sa legasiya ng isang respetadong aktor tulad ni Ronaldo Valdez

- Aniya, makikipagtuos siya sa kung sinoman ang dapat managot sa nagpakalat nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ikinagalit nang husto ni Jamela Santos, manager ng yumaong si Ronaldo Valdez ang kumalat na video na kuha 'di umano sa pagresponde sa aktor noong Linggo, Disymbre 17.

Manager ni Ronaldo Valdez sa nagkalat ng video ng pagresponde sa aktor: "Mga walang respeto"
Manager ni Ronaldo Valdez sa nagkalat ng video ng pagresponde sa aktor: "Mga walang respeto"
Source: Instagram

Sa kanyang social media post, hindi napigilang mapamura ni Jamela sa mga bumastos sa legasiya ng isang Ronaldo Valdez.

"Magtutuos tayo pagkatapos ko magluksa. Why people can be so cruel? I can't believe it. Ano, para maka-scoop kayo? Para mag-trending kayo? How can you be so low?" ang bahagi ng post ni Jamela.

Read also

2 QCPD police, sibak kaugnay sa pagkalat ng video ng pagresponde kay Ronaldo Valdez

"A good and brilliant man doesn't deserve this... Babalik sa inyo lahat ng ginawa niyo. It's just a matter of time." dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ngayon, nakaburol na ang labi ni Ronaldo Valdez kung saan ang mga kasamahan niya sa '2 Good To Be True' ang mga unang dumalaw.

Si Ronald James Dulaca Gibbs o kilala sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez ay isang batikang aktor sa pelikula at telebisyon.Siya ang ama ng actor-comedian, TV host at singer na si Janno Gibbs.

Isa sa pinakahuling naging proyekto ni Ronaldo bago siya pumanaw ay ang '2 Good 2 Be True' ng tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nakilala siya sa naturang serye bilang si 'Lolo Sir' na talagang tumatak di lamang sa Kathniel Fans kung maging sa mga sumubaybay ng serye at sa mga kapwa aktor na nakasama niya roon.

Read also

Cristy Fermin: "Si Richard talaga ang pinakamabait na Gutierrez"

Agad ding nabalikan ng netizens ang birthday post ng anak ni Ronaldo na si Janno Gibbs kung saan nabanggit nito ang kanilang pelikula na inaasahang ipalabas sa Enero ng 2024. Ayon pa sa post ni Janno sa huling kaarawan na pala ng kanyang ama noong Nobyembre, masaya siyang naging direktor ng kanyang ama. Makikitang nagkomento pa roon si Ronaldo at sinabing proud siya kay Janno.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: