Maricel Soriano, game na game na naging 'Yaya for a day' ni Kim Chiu

Maricel Soriano, game na game na naging 'Yaya for a day' ni Kim Chiu

- Kumasa ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano sa pagiging 'Yaya for a day' ni Kim Chiu

- Matatandaang magkasama ang dalawa sa teleseryeng Linlang kung saan naging usap-usapan pa ang sampalan scene nila

- Sa isang interview naman kay Maricel, nasabi niyang isa si Kim sa mga artista ng kasalukuyang henerasyon na umano'y kinakitaan niya ng magandang ugali

- Kaugnay nito, walang pagsidlan ng kasiyahan si Kim nang makatanggap siya ng mamahaling sapatos mula sa kay Maricel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Game na game ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano sa pagiging 'Yaya for a Day' kay Kim Chiu.

Maricel Soriano, game na game na naging 'Yaya for a day' ni Kim Chiu
Maricel Soriano (Maricel Soriano YouTube)
Source: Youtube

Kasa-kasama siya nito isang araw sa It's Showtime at kitang-kita ang pag-aalaga nito kay Kim.

Pati sa rehearsal ni Kim ng kanyang dance number ay kasali rin si Maricel.

Read also

Kim Chiu, makulit na sinagot ang tanong ni Maricel Soriano: "Ang love life ko ay naka-hang ngayon"

Nakipagbiruan din ito kina Vice Ganda at Jhong Hilario at minsan na rin daw siyang naging yaya ng mga ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit ang isa sa mga nakagugulat na ginawa ni 'Yaya Maricel' sa araw na iyon ay nang usisain niya Kim tungkol sa love life nito.

"Ang dami-dami nagbubulungan. Kumusta daw love life mo?" pag-uusisa ni Maricel kay Kim.

"Ang love life ko ay naka-hang ngayon," natatawang sagot ni Kim.

"Parang telepono 'day? Naka-hang?" ang reaksyon ni Maricel bago siya ayain na lamang ni Kim na kumain.

Narito ang makulit na 'Yaya for a Day' vlog mula mismo sa Maricel Soriano YouTube channel:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Read also

Karylle, nakapag-post tungkol sa dahilan ng pag-absent niya sa It's Showtime

Samantala, tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Naging matunog din kamakailan ang hiwalayan nina Kim at Xian Lim. Halos kasabayan ito ng kontrobersyal na paghihiwalay ng Kathniel. Gayunpaman, wala paring kumpirmasyon mismo mula kina Kim at Xian tungkol dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel