Kim Chiu, makulit na sinagot ang tanong ni Maricel Soriano: "Ang love life ko ay naka-hang ngayon"

Kim Chiu, makulit na sinagot ang tanong ni Maricel Soriano: "Ang love life ko ay naka-hang ngayon"

- May makulit na sagot si Kim Chiu kay Maricel Soriano nang tanungin siya nito tungkol sa kanyang love life

- Naihalintulad tuloy ni Maricel ang love life ni Kim sa isang telepono

- Matatandaang halos kasabayan ng pagkumpirma ng hiwalayan ng KathNiel ang bali-balitang hiwalay na rin 'di umano sina Kim at Xian Lim

- Sa isang episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz, nasabi nitong isang common friend nila nina Kim at Xian ang nagsabing hiwalay na nga umano ang dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila nagulat si Kim Chiu sa nag-iisang Diamond Star ng Philippine showbiz na si Maricel Soriano nang usisain nito ang kanyang love life.

Kim Chiu, makulit na sinagot ang tanong ni Maricel Soriano: "Ang love life ko ay naka-hang ngayon"
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Sa pinakabagong episode ng YouTube channel ni Maricel, naging 'Yaya for a day' siya ni Kim.

Doon, tila naka-segue ang Diamond Star ng tanong kay Kim tungkol sa kontrobersyal na relasyon nito kay Xian Lim.

Read also

Karylle, nakapag-post tungkol sa dahilan ng pag-absent niya sa It's Showtime

"Ang dami-dami nagbubulungan. Kumusta daw love life mo?" diretsang tanong ni Maricel kay Kim.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mapapansing, tila napahinto muna si Kim at napatanong kay Maricel kung sino ang mga nagtatanong ukol dito.

"Ang love life ko ay naka-hang ngayon," natatawang sagot ni Kim.

"Parang telepono 'day? Naka-hang?" ang reaksyon ni Maricel bago siya ayain na lamang ni Kim na kumain.

Narito ang kabuuan ng kanilang makulit na pagsasama sa YouTube channel ni Maricel Soriano:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Read also

Alora Sasam sa netizen: "If alam mo rin ang nalalaman ko po, di ito comment mo"

Naging matunog din kamakailan ang hiwalayan nina Kim at Xian Lim. Halos kasabayan ito ng kontrobersyal na paghihiwalay ng Kathniel. Gayunpaman, wala paring kumpirmasyon mismo mula kina Kim at Xian tungkol dito.

Kamakailan lamang, naibahagi ni Ogie Diaz ang umano'y nasagap niya sa common friend nila nina Kim at Xian. Ayon sa kaibigan nilang ito, hiwalay na raw umano ang KimXi. Gayunpaman, pinaalala ni Ogie na tanging sina Kim at Xian ang nakapagkukumpirma ng isyung it. Hanggang ngayon, wala pang pahayag ang dalawa ukol dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel