Melai Cantiveros, natawa sa meme kung saan kasama niya si Kim Seon Ho

Melai Cantiveros, natawa sa meme kung saan kasama niya si Kim Seon Ho

- Binahagi ni Melai Cantiveros ang mga nabuong meme niya kasama ang South Korean star na si Kim Seon Ho

- Gamit ang poster ng sikat na series ni Seon Ho na Home Town Cha cah cha, nakalagay ang pamagat na Hometown Char Char Char

- Matatandaang magkalapit lang ang upuan nina Melai at Kim Seon Ho sa ginanap na Asia Artist Award kamakailan

- Nabanggit din ni Melai na si Kim Seon Ho ang kanyang idol na gusto niyang ma-meet

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Melai Cantiveros ay natawa sa mga memes tungkol sa kanya at sa South Korean star na si Kim Seon Ho. Pinagsama ang picture nilang dalawa at nakalagay ang pamagat na Hometown Char Char Char.

Melai Cantiveros, natawa sa meme kung saan kasama niya si Kim Seon Ho
Melai Cantiveros, natawa sa meme kung saan kasama niya si Kim Seon Ho
Source: Instagram

Hango ang meme na ito sa sikat na serye ni Kim Seon Ho na may pamagat na Hometown Cha cha cha. Sa kakatapos lang na Asia Artist Award ay magkatabi halos ang mesa nina Melai at Seon Ho. Kaya naman, nang sabihin ni Melai na idol niya ito ay napalingon si Seon Ho sa kanya,

Read also

Kim Chiu, makulit na sinagot ang tanong ni Maricel Soriano: "Ang love life ko ay naka-hang ngayon"

Melai Cantiveros, natawa sa meme kung saan kasama niya si Kim Seon Ho
Melai Cantiveros, natawa sa meme kung saan kasama niya si Kim Seon Ho
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: