Andi Eigenmann, ibinida ang pictures ng mga anak na nahihilig sa skate boarding
- Masayang binahagi ni Andi Eigenmann ang pictures nilang mag-anak kung saan makikita ang mga anak niyang sina Koa at Lilo na nag-skate
- Aniya, masaya siyang makitang ginagawa ng mga anak nila ang mga gusto nila
- Alam daw niya na kapag lumaki na ang mga anak niya ay magugustuhan nilang tingnan ang mga pictures nila
- Marami ang humanga sa kanyang mga anak na sa murang edad ay hindi natatakot na sumubok sa mga sports kagaya ng skate boarding at surfing
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ibinida ni Andi Eigenmann ang picture niya kasama ang kanyang mag-aama. Kalakip sa kanyang binahaging picture ay ang kanyang saloobin kaugnay sa pagkakahilig ng mga anak niya sa skate boarding.
Ani Andi, masaya siyang makitang ginagawa ng mga anak nila ang mga gusto nila
Love seeing them push themselves to great heights (literally and figuratively) and trying new things. These moments remind me why I started filming home videos. I know my kids would like to see this when their older to look back on, like I do.
Marami ang humanga sa kanyang mga anak na sa murang edad ay hindi natatakot na sumubok sa mga sports kagaya ng skate boarding at surfing.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.
Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.
Pinakita ni Andi sa kaniyang bagong vlog episode ang kanilang karaniwang ginagawa kapag sila ay nasa Siargao. Sa unang bahagi ng video ay makikita si Ellie na kasama ang kapwa niya kabataan na may dala-dalang sako. Mas pinili umano nitong sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura at nagsabing susunod na lang sa kanyang ina sa isang surf resort. Marami naman ang natuwa na sa murang edad nito ay may malasakit ito sa kapaligiran.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh