Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, muling nagkasama sa ABS-CBN Christmas Special

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, muling nagkasama sa ABS-CBN Christmas Special

- Muling nagkasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ABS-CBN Christmas Special

- Ito ang kanilang kauna-unahang public appearance na magkasama simula nang isapubliko nila ang tungkol sa paghihiwalay nila

- Maging sa Christmas Station ID na inilabas ng ABS-CBN ay hindi na magkasama ang dalawa

- Ikinatuwa naman ito ng KathNiel fans at kinabiliban ang kanilang pagiging professional

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa ABS-CBN Christmas Special. Ito ang kanilang kauna-unahang performance at public appearance na magkasama sila simula nang aminin nilang hiwalay na sila.

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, muling nagkasama sa ABS-CBN Christmas Special
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, muling nagkasama sa ABS-CBN Christmas Special
Source: Facebook

Marami naman sa mga fans ng tambalan nila ang natuwa na makita silang magkasama sa kabila ng lumabas na mga isyu at intriga. Hinangaan ng marami ang kanilang dedikasyon at pagiging professional pagdating sa kanilang trabaho.

Read also

Ina ni Kathryn Bernardo, pinabulaanang lilipat ng network ang anak

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sana magka balikan na kayo please papasko nyo na sa amin kathniel
Mukhang magiging tama ang hula ni Madam Jay Costura.
NakaMove na sila Fans na lang di pa nakaMove on

Matatandaang hindi lamang ang mga fans ang naapektuhan sa paghihiwalay ng KathNiel matapos ang kanilang 11 taong relasyon. Maging ang kanila kapwa mga taga-showbiz ay ikinalungkot din ang balita.

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Kabilang sina Kathryn at Daniel sa mga guests sa kasalang Cathy Garcia-Molina-Louie Sampana. Sa reception ay si Kathryn ang nakasalo ng bouquet na inihagis ng bride. Naibahagi ni Janus del Prado ang video ng pagsuot ni Daniel ng garter sa binti ni Kathryn. Kinantiyawan si DJ na itaas pa ang garter ngunit aniya ay mataas na raw ang pagkakasuot nito.

Read also

Miles Ocampo, pinagpawisan matapos kantiyawan ng kasamahan sa usaping pakikipagbalikan

Ikinatuwa naman ng mga fans ni Kathryn ang post ng aktres kung saan ibinahagi niya ang kanyang picture. Aniya, kuha ito sa set ng kanyang bagong pelikula na pinamagatang 'A Very Good Girl.' Agad itong nag-viral at umani ng mga papuri at positibong komento. Marami ang humanga sa ganda ni Kathryn at may mga naghayag ng kanilang pagsuporta kay Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate