TAPE, nakahanda raw umapela para ma-reverse ang desisyon kaugnay sa Eat Bulaga trademark
- Nakahanda raw umapela ang TAPE, Inc kaugnay sa balitang kinansela ng IPOPHIL (Intellectual Property Office of the Philippines) ang trademark renewal registration ng TAPE, Inc sa pangalang Eat Bulaga
- Ayon kay Attorney Maggie Abraham-Garduque, legal counsel ng TAPE, Inc, alinsunod sa alintuntunin ay maari silang umapela sa director of the BLA (Bureau of Legal Affairs) ng IPO
- Sa nilabas na desisyon ng IPOPHIL, hindi raw napatunayan ng TAPE kung paano nila nabuo ang "Eat Bulaga" kaya pumabor sa TVJ ang desisyon ng IPO
- Nakatakda namang magkaroon ng presscon ang TVJ bukas, December 6, 2023
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nakahanda raw na umapela ang TAPE, Inc kaugnay sa nilabas na desisyon ng IPOPHIL (Intellectual Property Office of the Philippines) kaugnay sa Eat Bulaga trademark na pumabor sa TVJ. Sinabi ito ni Attorney Maggie Abraham-Garduque sa panayam ng Pika-pika Ph kasunod ng lumabas na balitang kinansela na ang trademark registration ng TAPE sa pangalan o titulo ng "Eat Bulaga" o E.B.
"TAPE’s handling lawyer for IPO cases, Atty. Siao, has not received a copy of said decision yet. But if this is true, under the rules, TAPE can appeal this decision to the director of the BLA (Bureau of Legal Affairs) of IPO. If still unsatisfied with the decision of the director, they can still appeal it to the director general of the IPO. TAPE will avail of all legal actions/remedies to reverse this decision.”
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.
Matatandaang sa ulat ng PEP, nag-react ang magkapatid na sina Jon-Jon at Bullet Jalosjos sa pag-resign ng TVJ at Dabarkads.
Sa ulat ng Inquirer.net, pinabulaanan ni Allan K ang isyung hindi umano nila pinapapasok ang TAPE executives sa mga dressing room ng mga hosts.
Kabilang si Madam Kilay sa mga nagbigay-pugay sa Eat Bulaga matapos ang pagpapaalam ng TVJ ngayong araw sa TAPE,Inc. Ayon sa kanya, mula noong bata siya ay Eat Bulaga na talaga ang paborito niyang noontime show. Aniya, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang show kahit ilang buwan lamang. Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One.
Ayon kay dating Senador Tito Sotto, maging sila ay nabigla din sa nangyari kaya humantong sa kanilang desisyon na kumalas. Kaya daw sila pumasok na lahat ng host ay para magtrabaho at wala naman silang plano na kung ano. Nang bigla umano silang hindi payagang mag-live, naisip nilang ito na ang "bendisyon" ng Panginoon na magdesisyon sila. Kaya naman kahit nangangapa sa kanilang sasabihin ay naipahatid naman nila ang kanilang nais iparating.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh